Ang Unibersidad ng Napoles Federico II (Ingles: University of Naples Federico II, Italyano: Università degli Studi di Napoli Federico II) ay isang unibersidad na matatagpuan sa Naples, Italya. Itinatag noong 1224, ito ang pinakamatandang unibersidad sa mundo na hindi konektado sa relihiyon, at ngayon ay organisado sa 13 fakultad. Ito ang unang unibersidad sa Europa na nakatuon sa pagsasanay ng sekular na administratibong kawani, at isa sa mga pinakamatandang akademikong institusyon na may tuloy-tuloy na operasyon. Ang Federico II din ang ikatlo sa may pinakamaraming mag-aaral sa Italya,[kailangan ng sanggunian] at isa sa pinakamahusay sa bansa. Ang unibersidad ay ipinangalan sa tagapagtatag nitong si Federico II.[kailangan ng sanggunian]