Ang Unibersidad ng Melbourne (Ingles: University of Melbourne) ay isang pampublikong unibersidad sa pananaliksik na matatagpuan sa Melbourne, Australia. Itinatag noong 1853, ito ang ikalawang pinakamatandang unibersidad sa Australia at ang pinakamatanda sa estado ng Victoria.[1] Ayon sa Times Higher Education (2017), and Melbourne ay ika-33 sa mundo,[2] habang sa Academic Ranking of World Universities (2017), ito ay nasa ika-40 na pwesto (una sa Australia).[3]
Apat na Punong Ministro ng Australiyano at limang gobernador-heneral ay nagtapos mula sa Unibersidad ng Melbourne. Siyam na Nobel laureates ay mga dating mag-aaral o guro, ang pinakamarami sa anumang pamantasang Australiyano.