Ang Unibersidad ng Massachusetts Amherst (Ingles: University of Massachusetts Amherst), kilala rin bilang UMass Amherst o UMass, ay isang pampublikong unibersidad sa pananaliksik sa Amherst, estado ng Massachusetts, Estados Unidos, at ang punong institusyon ng University of Massachusetts system. May humigit-kumulang 1,300 miyembro ng fakulti at higit sa 29,000 mag-aaral, ang UMass Amherst ang pinakamalaking pampublikong unibersidad sa New England[1] at niraranggo bilang ika-29 pinakamahusay na mga pampublikong unibersidad sa bansa.[2]
Ang unibersidad nag-aalok ng degri sa antas batsilyer, masteral, at doktoral sa 111 undergraduate, 75 master' s at 47 ng doktoral na programa sa siyam na mga paaralan at kolehiyo.[3] Ang pangunahing campus ay matatagpuan sa hilaga ng bayan ng Amherst.[4]
Ang University of Massachusetts Amherst ay ikinategorya bilang isang Research University na may napakataas na aktibidad ng pananaliksik ayon sa Carnegie Foundation for the Advancement of Teaching.[5] Sa piskal na taon 2014, ang UMass Amherst ay gumastos sa pananaliksik ng halagang lampas sa $200 milyon.[3]
Organisasyon at administrasyon
Pagkakatatag ng kolehiyo/paaralan
Kolehiyo/paaralan
Taong itinatag
Agrikultura
1870
Edukasyon
1907
Inhinyerya
1914
Pampublikong Kalusugan at Agham-Pangkalusugan
1938
Humanidades at Pinas Artes
1915
Pamamahala/Manedsment
1947
Natural na Agham
2009
Pagnanars
1953
Agham-Panlipunan at Pangkaugalian
1937
Impormasyon at Agham-Pangkompyuter
2015
Dahil sa ang Unibersidad ng Massachusetts Amherst ay itinatag bilang ang Massachusetts Agricultural College noong 1863, 25 na mga indibidwal ang naluklok bilang puno ng institusyon
Merong 10 kolehiyo at paaralan ang unibersidad.[6]
↑University of Massachusetts, Office of the Chancellor, Former Chancellors and Presidents of the Amherst Campus[1]Archived May 23, 2012, at the Wayback Machine.