Ang Unibersidad ng London ay isang pederal na pamantasan na binubuo ng mga kolehiyo. Ito ay isang pamantasang pananaliksik na matatagpuan sa Londres, Ingglatera, binubuo ng 18 mga kolehiyo, 10 pananaliksik na mga institusyon at ilang sentrong katawan.[1]
Ang Pamantasan ng Londres ay ang pangalawang pinakamalaking pamantasan base sa bilang ng mga estudyante sa United Kingdom, na may humigit-kumulang 135,000 na mga estudyante sa mga kampus nito at lampas 50,000 na mga estudyante sa 'malayong pag-aaral' na programa nito. Ang pamantasan ay nalikha ng Royal Charter noong 1836, kung saan napagsama sa pederasyon ang London University (na ngayon ay University College London) at King's College (na ngayon ay King's College London).
Maraming mga indibidwal ay nag-aral sa Pamantasan ng Londres, bilang mga staff o estudyante, kasama ang 4 na monarko, 52 president o primerong ministeryo, 74 Nobel laureates, 6 na nanalo ng Grammy, 2 nanalo ng Oscar at 3 nanalo ng ginto sa Olympics.
Mga sanggunian
↑"About us". University of London. 2 April 2012. Inarkibo mula sa orihinal noong 5 Septiyembre 2016. Nakuha noong 12 July 2012. {{cite web}}: Check date values in: |archive-date= (tulong)