Ang Unibersidad ng Liechtenstein (Aleman: Universität Liechtenstein; Ingles: University of Liechtenstein) ay ang pinakamalaki sa apat na mga sentro para sa mataas na edukasyon sa Prinsipalidad ng Liechtenstein. Ito ay nakatutok sa dalawang mga larang ng pag-aaral: arkitektura at ekonomikang pangnegosyo. Ang Unibersidad ng Liechtenstein ay matatagpuan sa Vaduz, ang kabisera ng bansa. Ang mga mag-aaral at guro ay nagmula sa 40 bansa, at ang mga unibersidad ay nakikipagtulungan sa 80 iba pang mga institusyon.
Mga instituto
Arkitektura at Pagpaplano
Entreprenyursyip
Serbisyong Pinansyal
Impormatika
KMU Zentrum
Liechtenstein Economic Research Center (KOFL)
Mga programa
Ang mga programa ng pag-aaral sa Unibersidad ng Liechtenstein ay nakaayos ayon sa sistemang batsilyer-master-doktorado na kinikilala sa buong mundo alinsunod sa Proseso ng Bologna.