Unibersidad ng Cambridge

Ang mga magsisipagtapos na pumapasok sa Senate House sa isang seremonya ng pagtatapos
Museum of Archaeology and Anthropology

Ang Unibersidad ng Cambridge (Ingles: University of Cambridge Cambridge University kapag impormal)[note 1] ay isang pampublikong unibersidad sa pananaliksik na matatagpuan sa Cambridge, Inglatera. Itinatag noong 1209 at binigyan ng royal charter status ni Hari Henry III noong 1231, ang Cambridge ay ang pangalawang pinakamatandang unibersidad sa mundo ng wikang Ingles at pang-apat sa pinakamatandang patuloy na umiiral na unibersidad.[1] Ang unibersidad ay naitatag dahil sa samahan ng mga iskolar na iniwan ang Unibersidad ng Oxford matapos ang isang di-pagkakaunawaan sa taumbayan.[2] Ang dalawang sinaunang mga unibersidad ay nagsasalo sa maraming katangian at madalas na tinutukoy na magkasama bilang "Oxbridge".

Ang Cambridge ay nabuo mula sa isang iba' t-ibang ng mga institusyon na kinabibilangan ng 31 bahaging kolehiyo at higit sa 100 akademikong kagawaran na isinaayos sa anim na mga paaralan. Ang Cambridge University Press, isang kagawaran ng unibersidad, ay ang pinakamatandang bahay-limbagan maging ang pangalawang pinakamalaki sa mundo. Ang unibersidad ay nagpapatakbo rin ng walong kultural at pang-agham na mga museo, kabilang ang Fitzwilliam Museum, at isang harding botanikal. Ang mga aklatan ng Cambridge ay merong humigit-kumulang 15 milyong libro, walong milyon sa mga ito ay nasa Cambridge University Library, isang aklatan para sa legal na deposito.

Noong 2016/17, ang Cambridge ay niraranggo bilang ika-apat na pinakamahusay na unibersidad ayon sa tatlong mga tagapagranggo at ang may pinakamataas na ranggo sa buong United Kingdom.[3] Ang unibersidad ay nakapag-eduka sa maraming natatanging alumni, kabilang ang mga bantog na matematiko, siyentipiko, pulitiko, abogado, pilosopo, manunulat, aktor, at dayuhang pinuno ng Estado. Siyamnapu't-limang Nobel laureates, labinlimang punong ministro ng Britanya at sampung mga Fields medalists ay nakakawing sa Cambridge bilang mga mag-aaral, guro, kawani o alumni.[4]

Ang Bridge of Sighs sa St John's College

Mga Kolehiyo

Ang 31 kolehiyo ng Cambridge ay ang mga sumusunod:[5]

Mayroong ding ilang mga kolehiyong teolohiko sa Cambridge, na bagaman hiwalay sa Unibersidad ng Cambridge, ay may kaugnayan pa rin dito bilang mga miyembro ng Cambridge Theological Federation sa mas mababang antas. Kabilang sa mga kolehiyong ito ang Westcott House, Westminster College at Ridley Hall Theological College.[6]

Galeriya

Mga tala

  1. The corporate title of the university is The Chancellor, Masters, and Scholars of the University of Cambridge.

Mga sanggunian

  1. Sager, Peter (2005). Oxford and Cambridge: An Uncommon History.
  2. "A Brief History: Early records". University of Cambridge. Nakuha noong 17 Agosto 2008.
  3. "World University Rankings 2015–16". Times Higher Education. Nakuha noong 1 Oktubre 2015.
  4. "Nobel prize winners". University of Cambridge. Nakuha noong 6 Disyembre 2015.
  5. "Statutes and Ordinances 2011: Admission to Degrees" (PDF). University of Cambridge. 21 May 2011. Inarkibo mula sa orihinal (PDF) noong 18 October 2016. Nakuha noong 3 Setyembre 2012.
  6. "Westcott House – Partner Universities". Westcott.cam.ac.uk. Inarkibo mula sa orihinal noong 9 Hulyo 2012. Nakuha noong 4 Pebrero 2013.

Mga palabas na kawing

52°12′19″N 0°06′47″E / 52.20535598°N 0.11315727°E / 52.20535598; 0.11315727