Ang Unibersidad ng California, Los Angeles (Ingles: University of California, Los Angeles, UCLA) ay isang pampublikong unibersidad para sa pananaliksik na matatagpuan sa distrito ng Westwood sa Los Angeles, California, Estados Unidos. Ito ang unang naging timog na sangay ng Unibersidad ng California noong 1919, kaya ito ang pangalawang pinakamatandang undergraduate campus ng Unibersidad ng California Sistema.[1] Ito ay nag-aalok ng 337 mga undergraduate at graduate degree na programa sa malawak na hanay ng mga disciplina.[2] Ang UCLA ay merong humigit-kumulang 31,000 undergraduate at 13,000 graduate students, at makatanggap ng 119,000 aplikante para sa taglagas ng 2016, kabilang na ang transfer students, ang pinakamarami sa anumang mga pamantasang Amerikano.[3]
Labing-apat na Nobel laureates, tatlong Fields Medalists,[4] dalawang punong siyentipiko ng US Air Force at tatlong Turing Award winners[5] ay mga naging guro, mananaliksik, o nagtapos sa UCLA. Kabilang sa mga kasalukuyang miyembro ng faculty, 55 ay inihalal sa National Academy of Sciences, 28 sa National Academy of Engineering, 39 sa Institute ng Medicine, at 124 sa American Academy of Arts and Sciences.[6] Ang unibersidad ay inihalal sa Association of American na Universities noong 1974.[7]
Mga sanggunian
↑Dundjerski, Marina (2011). UCLA: The First Century. Los Angeles: Third Millennium Pub. pp. 19–21. ISBN1-906507-37-6.