Ang Unibersidad ng Bergen (Ingles: University of Bergen, Noruwego: Universitetet i Bergen) ay isang pampublikong unibersidad na matatagpuan sa Bergen, Norway. Ang unibersidad ngayon ay nagsisilbi sa humigit-kumulang 17,000 mag-aaral, at ay isa ng walong mga unibersidad ng Norway.
Kahit na ang unibersidad ay itinatag noong 1946, ang mga pang-akademikong aktibidad ay nagaganap na sa Bergen mula nang maitatag ang Bergen Cathedral School noong1153, ang Seminarium Fredericianum noong 1750, at ang pagtatatag ng Royal Norwegian Naval Academy noong 1817. Ang akademya at mas mataas na edukasyon ay higit ding naabante sa lungsod gawa ng pagtatatag ng Museo ng Bergen, nang lumaon ay naging ang University Museum of Bergen, noong 1825. Itinatag sa pamamagitan nina Wilhelm Frimann Christie at Jacob Neumann, ang museo ay naging isang lugar para sa parehong pananaliksik at edukasyon sa larang ngnatural na agham, at itinampok dito ang mga tanyag na mananaliksik tulad nina Michael Sars, Daniel Cornelius Danielssen at Fridtjof Nansen.[1]
Ang Bergen sa kalaunan ay naging isang lungsod na may ilang arena para sa mas mataas na edukasyon at pananaliksik nang maitatag ang Geophysical Institute (sa kalaunan ay naging parte ng Unibersidad ng Bergen) na itinatag noong 1917, ang Chr. Michelsen Institute noong 1930, ang Norwegian School of Economics noong 1936 at sa wakas ang unibersidad noong 1946.[2]