Ang Unibersidad ng Aberdeen (Ingles: University of Aberdeen) ay isang pampublikong unibersidad sa pananaliksik sa Aberdeen, Scotland. Ito ay isang sinaunang unibersidad na itinatag sa 1495 nang pinetisyon ni William Elphinstone, Obispo ng Aberdeen si Papa Alejandro VI sa ngalan ng James IV, Hari ng Scots upang itatag ang King's College,[1] kaya't ito ang itinuturing na ikatlong pinakamatandang unibersidad sa Scotland at ang ikalima sa mundo ng mga nagsasalita ng wikang Ingles. Ang modernong unibersidad ngayon ay nabuo noong 1860 sa pamamagitan ng pagsama-sama ng King's College at Marischal College, ang pangalawang unibersidad na itinatag noong 1593 bilang ang Protestanteng alternatibo sa una. Ngayon, ang Aberdeen ay palaging niraranggo bilang isa sa mga nangungunang 200 unibersidad sa mundo[2] at isa sa dalawang unibersidad sa lungsod, ang isa pa ay ang Pamantasang Robert Gordon (Ingles: Robert Gordon University).