Ang mga unang anatomikal na modernong tao na nag-ebolb mula sa mga sinaunang Homo sapiens noong mga 200,000 taong nakakalipas. Ang pinakamatandang fossil ng mga anatomikal na modernong tao ang mga labing Omo na may edad na 195,000 (±5,000) taong gulang.[1][2]
Ang unang tao ayon sa mga mitolohiya sa iba ibang mga relihiyon na nilikha ng mga diyos na pinagpapalagay na ninuno ng sangkatauhan. Sa bawat pagkakataon, maaari itong isang lalaki, isang babae, o kaya tambalan ng lalaki at babae.