Si Antonio Ramiro Romo (ipinaganak noong April 21, 1980 sa San Diego, California) ay isang Amerikanong manlalaro ng football sa NFL. Siya ay kasalukuyang naglalaro bilabg starting para sa koponan ng Dallas Cowboys sa posisyong quarterback.
Karera sa kolehiyo
Si Tony Romo ay naglaro ng college football para sa koponan ng Eastern Illinois University sa Charleston, Illinois. Bilang isang sophomore noong taong 2000, si Romo ay pumangalawa sa Division I-AA para sa may pinakamahusay na pagpasa matapos kumpletuhin ang 164 mula sa 278 na pasa para sa 2,583 yards at 27 touchdowns. Matapos ang season, siya ay pinarangalan bilang All-America honorable mention, All-Ohio Valley Conference member, at OVC Player of the Year. Bilang isang junior, pinamunuan niya Division I-AA sa kanyang magagaling na pasa matapos kumpletuhin ang 138 mula sa 207 na mga pasa para sa 2,068 yards at 21 na touchdowns. Siya ay napili sa AP All-America third team, All-Ohio Valley Conference first team, at OVC Player of the Year.
Noong December 19, 2002, si Romo ay naging kaunaunahang manlalaro sa Eastern Illinois at Ohio Valley Conference na nanalo ng Walter Payton Award, na ibinibigay kada taon sa pinakamagaling na manalaro ng bansa para sa NCAA Division I-AA level. Tinapos niya ang kanyang karera sa eskelahan at conference na may record na 85 touchdown passes. Siya ay pangalawa sa school at pagatlo naman sa conference history na may 8,212 passing yards. Siya ay pumagalawa sa kasaysayan ng school na may 584 completions at 941 attempts. Bilang isang senior, siya ay nakagawa ng record sa school at conference matapos kumpletuhin ang 258 sa 407 attempts para sa 3,418 yards, siya ay pumangalawa sa conference at pangatlo naman sa kasaysayan ng school para sa season. Nakagawa siya ng 34 touchdown mula sa kanyang pasa at isang rushing touchdown. Ang record ni Tony Romo sa total offense na may 3,149 yards bilang isang senior ay pumagatlo sa kasaysayan ng school at conference. Bukod sa Walter Payton Award, si Tony Romo ay nakakuha ng mga All-America honors. Siya rin ay napili bilang All-Ohio Valley Conference at naging OVC Player of the Year sa tatlong sunod-sunod na taon.
Karera sa NFL
Si Romo ay dumalo sa 2003 NFL Combine, subalit, bagamat maraming scouts ang lumapit sa kanya, hindi siya nakapasok sa 2003 NFL Draft. Sa buong draft, si Romo ay binigyan ng kasiguraduhan ni Sean Payton ng Cowboys (si Romo din ay pinipilit ng head coach ng Denver na si Mike Shanahan),[1]), at matapos ang maikling panahon siya ay pumirma bilang undrafted rookie free agent para sa Cowboys. Si Romo ay pumasok sa 2003 training camp, pangatlo sa Cowboys' depth chart sumunod kela Quincy Carter at Chad Hutchinson. Noong 2004, pinakawalan ng Cowboys ang quarterback na si Chad Hutchinson at pinapirma ang beteranong quarterback na si Vinny Testaverde at pinalit sa third round draft pick para sa Houston Texans ang quarterback na si Drew Henson. Si Romo ay natanggal sa roster hanggang si Quincy Carter ay natanggal dahil sa mga alegasyon sa paggamit at pag-aabuso ng gamot. Matapos ang termino ni Vinny Testaverde's sa Dallas na natapos noong 2005, pinapirma ng Cowboys ang beteranong quarterback na si Drew Bledsoe, ang pangwalong starting quarterback ng Cowboys mula 2000.
Si Romo ay nagpakita ng malakas na laro sa 2005 at 2006 pre-seasons. Sa 2006 off-season, si Sean Payton (ngaun ay head coach ng New Orleans Saints), ay nag-alok ng third round draft pick para kay Romo, subalit tinaggihan ito ni Jerry Jones, sa halip humingi ito ng second round draft pick. Si Romo ay nakuha ang papel ni Drew Bledsoe bilang starting quarterback sa gitna ng laro laban sa New York Giants noong October 23.
Ang 2006 season
Nagsimula si Romo sa season bilang backup sa starter na si Drew Bledsoe. Unang nakita ni Romo ang field noong ika-1 ng October. Ang kanyang unang pasa ay 33 yard completion kay Sam Hurd laban sa Houston Texans. Noong araw din yun ay nagawa ni Romo ang kanyang unang NFL touchdown pass kay Terrell Owens.
Matapos ang tatlong linggo, noong October 23, 2006, pinalitan ni Romo si Drew Bledsoe sa starting line-up ng second half. Ang kanyang unag pasa ay naagaw ng kalaban. Ang kanyang stats sa pangalawang laro sa NFL ay gumawa lamang ng 14 completions sa 25 na attempts para sa 227 yards, 2 touchdowns, at 3 interceptions. Pagtapos ng dalawang araw, noong October 25, ang head coach na si Bill Parcells ay naghayag na si Romo ay magiging starting quarterback para sa October 29 game laban sa Carolina Panthers sa NBC Sunday Night Football,sa ikawalong linggo ng laro. Pinamunuan ni Romo ang tagumapay ng kanilang koponan sa kanyang unang laro bilang starter, 35-14. Noong gabi ng laro si Romo ay pinarangalan bilang Sunday Night Football's "Rock Star of the Game."
Noong November 19, 2006, muling pinamunuan ni Romo ang Cowboys laban sa Indianapolis Colts, ang koponan sa NFL na wala pang talo. Gumawa si ROmo ng 19 passes mulka sa 23 attempts at tinalo nila ang Colts sa 21-14 na puntos. Pagtapos ng 4 na araw, tinulungan ni Romo ang Cowboys sa Thanksgiving Day NFL game laban sa Tampa Bay Buccaneers sa iskor na 38-10. Si Romo ay gumawa ng 22-29 kasama ang 306 yards at 5 touchdowns passes ng walng interception at naging pangunahing quarterback sa liga. Nakagawa siya ng record sa touchdown passes na pumantay sa ibang magagaling na manlalaro, kamakailan ay kay Troy Aikman. Dahil sa kanyang galing siya ay nabigyan ng parangal ng FOX's Galloping Gobbler award bilang Thanksgiving Day MVP.
Tinulungan ni Romo ang Cowboys na makapasok sa playoff berth, pangalawa simula ng naging coach si Bill Parcells noong 2003. Nagbigay siya ng konklusyon sa 2006 regular season na sila ay magkakaroon ng 220 completions sa 337 pass attempts para sa 2,903 yards, 19 touchdowns, at 13 interceptions, at may passer rating na 95.1.
Noong January 6, 2007, Ang Dallas Cowboys ay naglakbay sa Qwest Field upang maglaro laban sa Seattle Seahawks sa NFC wild card playoff round. Sa iskor na 21-20 sa 1:19 natitira sa orasan, sinubukan ng Dallas na makakuha ng field goal. hinawakan ni Romo anbola at sinubukan na gumawa ng laro, nakatabo siya malapit sa end zone subalit naabutan ni Seattle defensive back Jordan Babineaux sa one yard line. Nanalo ang Seattle sa sarili nilang one yard line. Hindi madalas na nangyayari ang ganito dahil kadalasanang humahawak ng bola sa mg ganitong pagkakataon ay ang backup quarterback at ang punter. Si Romo ang humawak ng tungkulin sapagkat siya ay nagsimula bilang backup quarterback. Natapos ni Romo ang 2006 season na pangpito sa passing yards (2,903) at touchdown passes (19).
Si Romo ay naglaro sa 2007 Pro Bowl matapos magtamo ng elbow injury si Drew Brees at matanggal sa laro si Marc Bulger. Si Romo ay gumawa ng isang touchdown pass at isang interception. matapos ang laro si ROmo ay pinarangalan na NFC's holder in the game.
Ang 2007 season
Nagsimula si Romo sa 2007 season na may apat na touchdowns at isa pang additional touchdown rush na tumalo sa New York Giantssa ikor na 45-35 sa unang laro ng Cowboys sa regular season, matapos bumalik sa isang hindi magandang laro sa nakaraang post-season. Ang mga haka-haka na si Romo ay "one-shot wonder" ay nawala matapos siyang gumawa ng 345 passing yards matapos ang isang linggo na nanguna sa kaslukuyang NFL.[2]
Personal na buhay
Si Romo ay pangatlong henerasyon sa lahi ng Mexican American sa kanyang ama. Ang kanyang lolo na si Ramiro Romo Sr. ay dating nanggaling sa Múzquiz, Coahuila, Mexico at nanahan sa San Antonio, Texas noong binata pa lamang. Sinabi ng kanyang lolo na ang tagumpay ni tony ay isang ehemplo sa mga immigrants sa United States: I've always said this is a country of opportunities. If you don't get a job or an education, it's because you don't want to."[3] Ang ina ni Tony ay galing sa angkan ng Polish-German.[4]
Si Tony Romo ay ipinanganak sa San Diego, habang ang kanyang ama ay nanunungkulan sa United States Navy, subalit ang kanyang pamilya ay bumalik sa kanilang tahanan sa Burlington, Wisconsin noong siya ay dalawng taong gulang. Siya ay naglaro bilang quarterback sa Burlington Demons sa kanyang junior at senior sa high school. HBindi niya napangunahan ang koponan sa tagumpay subalit siya ay napabilang sa All-Racine County football team at naging honorable mention sa all-state basketball.
Siya rin ay itinutuuring na amateur sa larong golf, sinubukan niyang mapabilang sa 2004 EDS Byron Nelson Championship and the 2005U.S. Open, subalit hindi siya pinalad. Sa tuwing offseason, kapag wala silang pagsasanay si Romo ay naglalaro ng golf sa mga lugar ng Dallas.
Si Romo ay madalas na maging panauhin sa mga local sports radio programs. Simula noong 2006, siya ay naging pangalawang host ng "Inside The Huddle"Naka-arkibo 2021-04-04 sa Wayback Machine., isang oras na palabas sa ESPN Radio sa KESN-FM ng Dallas kasama ang linebacker na si Bradie James na kasalukuyang pumirma para sa second season bilang co-host ng palabas at malapit na ring sumama ang wide receive ng Cowboys na si Sam Hurd. Ang kanilang one-hour player commentary show ay ipapalabas ng live sa Live 105.3FM radio ng Dallas at sa buong rehiyon ng FSN Southwest Television.
Siya rin at pinakatiaan ng pagmamahal ng kanyang alma mater, ang Eastern Illinois University, kung saan siya ay miyembro ng Sigma Pi fraternity. Ang unibrsidad ay pinaggalingan ng maraming propesyanal na atleta tulad nila Mike Shanahan, coach ng Denver Broncos, na naglaro din bilang quarterback sa Eastern Illinois University. Bukod kay Shanahan, kasama din sina Sean Payton na coach sa NFL ngaun at Brad Childres na naglaro din sa unibersidad.
Si Tony Romo ay madalas na makipagkita sa singer na si Carrie Underwood (multi-platinum selling country music singer at American Idol Season 4 winner). Inimbitahan niya ito sa kanyang kaarawan noong April 2007.[5] Noong ika-lima ng May, 2007, Si Romo ang nagescort sa kanya sa Academy of Country Music Awards.[6]