Si Emperador Tongzhi (Wade-Giles: Emperador Tung-chih o Emperador T'ung-chih; 27 Abril 1856 – 12 Enero 1875), ipinanganak bilang Zaichun (Wade-Giles: Tsai-chun) ng angkang Aisin Gioro ng mga Manchu, ay ang ikasampung emperador ng Dinastiya ng Qing, at ang ikawalong emperador ng Qing na namuno sa Tsina. Ang kaniyang paghahari, na magmula 1861 hanggang 1875, na epektibong nagtagal hanggang sa kaniyang pagbibinata, ay malakihang naimpluwensiyahan ng pamumuno ng kaniyang ina na si Inang Emperatris Cixi. Bagaman nagkaroon lamang siya ng kaunting impluwensiya hinggil sa mga gawaing pang-estado, ang mga kaganapan sa kaniyang pagka-emperador ay nagdulot sa tinatawag ng mga manunulat ng kasaysayan bilang "Restorasyong Tongzhi" (Pagpapanumbalik na Tongzhi), isang hindi nagtagumpay na pagtatangka na patibayin at gawing moderno ang Tsina.
Ang lathalaing ito na tungkol sa Tao, Tsina at Kasaysayan ay isang usbong. Makatutulong ka sa Wikipedia sa pagpapalawig nito.