Si Tomas Padilla Arejola (18 Setyembre 1865 - 22 Mayo 1926) ay isang propagandistang Pilipino noong panahon ng Kastila. Siya ay isang abogado, mambabatas, manunulat at diplomata. Kasama ang iba pang Pilipino sa Madrid, Espanya, masugid na ipinaglaban niya an mga reporma sa politika sa bansang Pilipinas. Noong panahon na dumating ang mga Amerikano at itinatag an Komonwelt, isa siya sa lumikha ng Partido Nacionalista kung saan siya ang kauna-unahang bise-presidente nito. Dalawang beses siyang nahalal (noong 1907 at noong 1911) bilang representante ng Ambos Camarines. Ipinanganak siya sa Nueva Caceres (na ngayon ay Lungsod ng Naga), Ambos Camarines.
Mga panlabas na kawing
- [1]Pakilala sa kanya. Hinugot 4-1-16
Ang lathalaing ito na tungkol sa Tao at Pilipinas ay isang usbong. Makatutulong ka sa Wikipedia sa pagpapalawig nito.