Ang Tiro o Tyre (Arabe: صور, Ṣūr; Penisyo: , Ṣur; Hebreo: צוֹר, Tzor; Tiberian Hebrew צר, Ṣōr; Akkadian: 𒋗𒊒 Ṣurru; Griyego: Τύρος, Týros; Turko: Sur; Latin: Tyrus) ay isang siyudad sa Timog Gobernorata ng Lebanon. May tinataya itong populasyong 117,000 noong 2003.[1] [2] Ang Tiro ay nasa mga 80 km (50 mi) timog ng Beirut. Ang pangalan ng siyudad na ito ay nangangahulugang "bato"[3] mula sa mabatong pagkakabuo na orihinal na pinagtayuan nito. Ang Tiro ay isang sinaunang siyudad ng Fenicia at ang maalamat na lugar ng kapanganakan ni Europa at Elissa(Dido). Sa ngayon, ito ang ikaapat na pinakamalaking siyudad sa Lebanon[4] at kinalalagayan ng mga pangunahing puerto ng bansa. Ang turismo ay pangunahing industriya sa siyudad na ito. Ito ay may ilang mga sinaunang siyudad kabilang ang Romanong Hippodroma at idinagdag sa talaan Pandaigdigang Pamanang Pook ng UNESCO noong 1979.[5][6]
Mga sanggunian