Si Thein Sein (Birmano: သိန်းစိန်; IPA: [θéɪɴ sèɪɴ]; ipinanganak 20 Abril 1944) ay isang Burmes na politiko at retiradong heneral ng Hukbong Myanmar na nagsilbi bilang ang ika-8 Pangulo ng Myanmar mula 2011 hanggang 2016. Dati siyang Punong Ministro mula 2007 hanggang 2011, at tinuturing sa loob at labas ng Myanmar bilang isang katamtaman at repormista sa pagkatapos ng pamahalaang junta.[2]
Unang buhay
Ipinanganak si Thein Sein kina Maung Phyo (ama) and Khin Nyunt (ina) sa Kyonku, Burmang Briton (Myanmar ngayon), isang maliit na nayong Irrawaddy delta malapit sa Pulo ng Hainggyi na Nayon ng Ngapudaw ngayon.[3] Bunso siya sa tatlong magkakapatid. Mga magsasakang walang lupain ang kanyang magulang, at nagtratrabaho ang kanyang ama bilang kargador sa daungan sa ilog at naghahabi ng kawayang banig.[3][4] Ang ama ni Thein Sein na si Maung Phyo ay naging mongheng Budista noong sampung taon pagkataps mamatay ang asawa nito, at nanatiling monghe sa mga natirang taon niya.[3]
Mga sanggunian