Ang "The Little Drummer Boy" (unang nakilala bilang "Carol of the Drum"), na maisasalin bilang "Ang Maliit na Batang Lalaking Mananambol" at "Masayang Awiting Pamasko na Pangtambol", ay isang tanyag na awiting Pamasko na isinulat ng Amerikanong kompositor at guro ng musikang klasikal na si Katherine Kennicott Davis noong 1941.[1] Inirekord ito ng Trapp Family Singers noong 1955[2] at pinatanyag pang lalo noong 1958 dahil sa isang pagrerekord na pangmusika ng Koro ni Harry Simeone. Ang bersiyong ito ay matagumpay na muling inilabas sa loob ng ilang mga taon at ang awitin ay naitala nang maraming mga ulit magmula noon.[3]
Sa panitik, isinasalaysay ng mang-aawit kung paanong siya, bilang isang batang lalaki, ay tinawag ng Mago sa lugar na pinagkapanganakan kay Hesus na walang dalang handog; pinatugtog niya ang kaniyang tambol na mayroong pahintulot ni Birheng Maria, na naaalalang na ibinigay niya ang kaniyang husay sa pagtugtog para kay Hesus kung kaya't ngumiti ang sanggol na Hesus sa kaniya.
Mga simulain
Ang awitin ay unang pinamagatan bilang "Carol of the Drum" at inilathala ni Davis na ibinatay sa isang nakaugaliang masayang awiting pamasko na nasa wikang Czech.[4] Ang nais ni Davis ay ang makagawa ng materyal para sa mga korong pambaguhan at pambatang mga babae: ang kaniyang manuskrito ay nakatalaga bilang isang chorale, na ang tono ay nasa soprano na may harmoniyang alto, na ang mga bahaging tenor at baho ay lumilikha ng "ritmong pantambol" at isang kasaliw na pagtitipa na pampagsasanay lamang. Mayroon itong paulo na "Czech Carol freely transcribed by K.K.D" (Awiting Pamasko na Tseko na malayang isinatitik ni K.K.D.), ang mga unang titik na pampangalang ito ay binura at pinalitan ng "C.R.W. Robinson", isang sagisag-panulat na ginagamit paminsan-minsan ni Davis sa paglalathala.[5][6]
Bagaman talagang naghanap si Davis na naaangkop na materyal, ang orihinal na nasa wikang Czech ay hindi kailanman napag-alaman, bagaman ang estilo ay maihahambing sa nasa wikang Czech na "Rocking Carol" (Masayang Awiting Panduyan), isang awiting pampatulog noong kaagahan ng ika-20 daantaon ng isang nagngangalang Miss Jacubickova na pinamagatang "Hajej, nynjej" na binigyan ng mga salitang Ingles ni Percy Dearmer para sa The Oxford Book of Carols noong 1928. Naakit nito ang mga Austrianong mga mang-aawit na von Trapp, na unang naghatid ng awitin sa mas malawak na katanyagan nang irekord nila ang "Carol of the Drum" noong 1955, bago sila magretiro. Ang kanilang bersiyon ay nag-iisang ikinabit sa pangalan ni Davis at inilathala ng Belwin-Mills.[7] Noong 1957, inirekord ito, na mayroong bahagyang pagbabago sa areglong pangmusika, ng Jack Halloran Singers para sa kanilang album na Christmas Is A-Comin' sa ilalim ng Dot Records. Ipinakilala ni Henry Onorati ng Dot Records ang awit sa kaniyang kaibigang si Harry Simeone, at sa pagsapit ng sumunod na taon, nang kinuntrata siya ng 20th Century Fox Records upang gumawa ng isang album na Pamasko, naisagawa ang dagdag pang maliliit na mga pagbabago mula sa pagkakaayos na pangmusika na Halloran[8] at pinalitan ito ng pamagat bilang "The Little Drummer Boy", inirekord ito sa piling ng Harry Simeone Chorale sa album na Sing We Now of Christmas. Magkasamang inangkin nina Simeone at Onorati ang pagiging may-akda ng kumposisyon na kasama si Davis.[3]
Ang album at ang awitin ay naging isang malaking tagumpay, na ang singgulo ay nagkamit ng kaantasan sa mga talahanayang pangtugtugin sa Estados Unidos magmula 1958 hanggang 1962. Noong 1963, muling inilabas ang album sa ilalim ng pamagat na The Little Drummer Boy: A Christmas Festival (Ang Munting Batang Mananambol: Isang Kapistahan ng Pasko), na namuhunan sa katanyagan ng singgulo. Sa sumunod na taon, inilabas ang album na nasa stereo ng sa ilalim ng tatak ng Island Records.[9] Si Harry Simeone, na noong 1964 ay lumagda ng kontrata sa piling ng Kapp Records, ay nagrekord ng isang bagong bersiyon ng "The Little Drummer Boy" noong 1965 para sa kaniyang album na O' Bambino - The Little Drummer Boy.[3] Inirekord ni Simeone ang awitin sa ikatlo ang pinakahuing pagkakataon noong 1981, para sa album na muling pinamagatan bilang The Little Drummer Boy na may nakalaang gugulin para sa tatak na Holiday Records.
Ang kuwentong inilalarawan sa awitin ay tila kahalintulad sa pang-ika-12 daantaong alamat na muling isinalaysay ni Anatole France bilang Le Jongleur de Notre Dame (Pranses: Ang Salamangkero ng Ginang), na inangkop upang maging isang opera noong 1902 ni Jules Massenet. Subalit, sa alamat na Pranses ang jongleur o juggler ay nagdi-juggle (masalamangkang naghahagis at sumasalo ng maraming mga bola o ibang mga bagay) sa harap ng estatuwa ng Birheng Maria, at ang estatuwa, ayon sa kung anumang bersiyon ng alamat ang binabasa, ay maaaring ngumiti sa kaniya o naghagis sa kaniya ng isang bulaklak na rosas (o parehong ngumiti at naghitsa ng rosas, katulad ng sa pelikulang pantelebisyon noong 1984 na pimagatang The Juggler of Notre Dame).
Mga sanggunian