The Hunger Games

The Hunger Games
Pabalat ng The Hunger Games (bersiyong Filipino)
May-akdaSuzanne Collins
TagapagsalinJanis delos Reyes
Gumawa ng pabalatTim O'Brien
Bansa Estados Unidos
WikaIngles
SeryeThe Hunger Games
TagapaglathalaScholastic Press
Petsa ng paglathala
14 Setyembre 2008
Mga pahina374
ISBN0-439-02352-1
Sinundan ngCatching Fire 

Ang The Hunger Games (Ang Palaro ng Kagutuman) ay isang nobela para sa kabataang may-edad na isinulat ni Suzanne Collins, isang Amerikanang manunulat. Isinulat ito mula sa pananaw ni Katniss Everdeen, isang 16 taong gulang na dalaga mula sa bansang Panem, na ibinuo mula sa mga bansa ng Hilagang Amerika sa isang panahon pagkatapos ng apokalipsis. Ang Capitol ay isang makapangyarihang makabagong lungsod. Ang The Hunger Games ay isang taunang palaro kung saan pinipili ang isang 12-18 anyos na babae at lalaki mula sa 12 na District na magkakamatayan hanggang isang Tribute lamang ang natitira.

Sa kabila ng mga positibong papuri sa magandang takbo ng kwento at pagkabuo ng mga tauhan mula sa iba't ibang malalaking tagpagsaliksik ng mga libro at manunulat, dahil sa maraming pagkakahalintulad ito'y ikinukumpara sa librong Battle Royale ni Koushun Takami. Makasaysayang palarong Gladiator, Grieyegong Mitolohiya at reality-show ang ilan lamang sa mga nag-impluwensiya kay Collins sa pagsulat ng nobela. Isa lamang ang California Young Reader Award sa maraming mga premyong napanalunan ng nobela. Ito'y itinuring bilang isa sa mga "Best Books of the Year" ng Publisher's Weekly noong 2008.

Impluwensiya

Ayon kay Collins ang palipat-lipat ng tsanel sa TV ay isang malaking impluwensiya sa paggawa ng The Hunger Games. Nabuo ang konsepto ng nobela nang nahalo ang dalawang larawan ng reality show at Digmaan sa Iraq sa kanyang isipan. Maituturing din ang Griyegong kwento kay Theseus bilang isang malaking impluwensiya para sa nobela, ayun kay Collins ang katauhan ni Katniss ay maituturing na modernong Theseus sa isang makabagong lipunan, at ang mga makalumang palarong Roman ay naging bahagi rin ng pagbubuo ng konsepto ng palaro sa nobela.

Ang pagkawala ng kanyang ama sa Digmaang Vietnam sa murang edad na 11 anyos, ay nagtulak din kay Collins na ibahagi ang masamang epekto ng digmaan sa lipunan. Halo sa tunay na buhay ni Collins ang kwento ni Katniss na nawalan din ng ama sa edad na 11 anyos, 5 taon bago ang simula ng nobela. Kahit mahirap daw isulat ang mga masasalimuot at malungkot na pangyayari sa kwento, hindi raw ito masasantabi sapagkat ito ay mahalaga sa takbo ng kwento.

Kuwento

Ang kuwento ay nagsisimula sa isang bansa sa Hilagang Amerika na tawag ay Panem, ito'y itinatag pagkatapos ang pagkawasak sa kontinento ng isang apokalipsis. Ang bansa ay binubuo ng makapangyarihang at mayamang Capitol at 12 na mahihirap na districts (distrito), na nasa ilalim ng kontrol ng Capitol. District 12 ay kung saan nagsisimula ang kuwento sa isang lugar na mayaman sa karbon, na dating tinatawag na Appalachia.

Bilang kaparusahan sa isang himagsikan laban sa Capitol noon, kung saan ang District 13 ay nawasak, isang lalaki at isang babae edad 12 hangang 18 ay pipiliin sa taunang sapalaran o lottery para sa The Hunger Games, isang kaganapang kung saan ang mga lumalahok, mga Tributes, ay kailangang mag-away hanggang sa kamatayan ang isa't isa sa isang lugar na kontrolado ng Capitol, hanggang isang Tribute na lamang ang natitirang buhay.

Ang tagapagsalaysay ng kuwento ay isang 16 anyos na babaeng pangalan ay Katniss Everdeen, siya'y na boluntaryong isinagip ang pwesto ng kanyang bunsong kapatid na si Primrose ng ito'y napili para lumahok para sa District 12. Ang napiling lalaki ay si Peeta Mellark, na dating kaklase ni Katniss, na dating bumigay ng kapirasong tinapay na sumagip sa nagugutom na pamilya ni Katniss. Ang tagapamahala ng lottery ay si Effie Trinket, isang taga-Capitol.

Kasama ang kanilang lasing na guro na si Haymitch Abernathy, idinala ni Effie sa Capitol sina Katniss at Peeta. Si Haymitch ay nanalo noong ika-50 na Hunger Games. Sa una ay hindi pinagkakatiwalaan ni Katniss si Haymitch subalit habang tumatagal naiisip din ni Katniss na upang maging matagumpay siya sa palaro ay dapat niyang pakinggan ang payo ni Haymitch. Sila'y ginabayan ni Haymitch sa pagkakaalam ng mga lakas at kahinaan ng iba't ibang mga tributes.

Sa pagdating sa Capitol ay nakilala ni Katniss si Cinna, ang kanyang personal na stylist. Ang mga "Stylists" ay kinukuha ng Capitol upang pagandahin ang mga tributes, para kay Katniss si Cinna lamang ang nagugustuhan niya sapagkat naiintindihan niya raw ang mga pangangailangan ni Katniss. Pormal na sinisimulan ang palaro sa isang "Parade" kung saan pormal na ipinapakilala ni President Snow sa publiko ang mga Tributes sa taunang palaro. Ang isinuot ni Katniss at Peeta sa Parade ay nagliliyab na damit, ito'y nakaagaw pansin mula sa publiko. Ang mga tributes ay sumalang sa isang ensayo, namumuo ang tensyon sa pagitan ng mga tributes at may namumuo ring pagkakaibigan. Dito nakilala ni Katniss si Rue, isang tribute mula sa District 11.

Sumalang sa isang interview ang lahat ng tributes kasama si Caesar Flickerman, dito lubos na nakilala ng publiko ang mga tributes at makakuha ng sila ng kanilang paborito. Ito'y itinuturing bilang importante ayon kay Haymitch sapagkat dito makakuha ng simpatiya ang mga tributes mula sa mga Sponsors, na pwedeng makaligtas sa kanila sa gitna ng panganib sa paraan ng pagpapadala ng pagkain, tubig, damit o kagamitang panlaban. Ibinunyag ni Peeta sa interview na may gusto siya kay Katniss, subalit totoo ay sinabi niya kay Katniss ito'y isang palabas lamang upang makakuha ng simpatiya mula sa publiko. Ipinakita ni Katniss ang kanyang nagliliyab na gown sa interview, ito'y nakatawag ng pansin at nakakuha ng pagkahanga mula sa publiko.

Habang namatay na ang kalahati ng mga tributes sa unang araw ng palaro, ginamit ng Katniss ang kanyang kakayahan sa pangangamo at surbaybal upang makatago at mapalayo sa ibang mga tributes. Namuo ang isang alyansa sa pamamagitan ni Katniss at ni Rue, isang tribute mula sa District 12 na nagpapaalaala sa kanyang kapatid. Ito'y pagkatapos na tinulungan ni Rue si Katniss sa pagpapataboy at pagpatay sa ibang tributes gamit ang isang lunga ng mga Jabberjays. Madaling natapos ang kanilang alyansa pagkatpaos pinatay ng isang tribute si Rue at bilang panlaban sa sarili ay tinunod ni Katniss ang tribute. Kinantahan ni Katniss si Rue hanggang ito'y namatay at bilang bigyan ng desenteng pamamaalam si Rue ay nagkolekta ito ng iba't ibang bulaklak at paligid at inalay kay Rue. Ang pangyayaring ito ay nag-dulot ng matinding kaguluhan sa District 11 sapagkat ito'y naging sinyales ng pag-aalyansa sa ibang District, isang aktong labag sa kalooban ng makapangyarihang Capitol.

Dahil sa imahe ng pagiging magkasintahan ni Katniss at Peeta, pagkatapos ng pag-amin niya sa interview, ay binago ang patakaran ng palaro. Idineklara na pwedeng manalo ang dalawang maglalaro na mangagaling sa parehong district. Agad hinanap ni Katniss si Peeta at nakita niya ito na sugatan at nagtatago. Inalagaan ni Katniss si Peeta at ipinakita na sila'y nagmamahalan nang lubos upang makaakit ng suporta mula sa publiko, ito'y nagresulta sa pagdami ng mga regalo mula sa mga Sponsors na nakaligtas sa buhay nilang dalawa.

Sa paglapit ng katapusan ng palaro ay napansin ni Katniss na ang mga namatay na tributes ay ginagawang Mutts o parang aso na mga halimaw. Ito'y inihabol sila ni Peeta hanggang nakaharap nila ang nag-iisang tribute na kalaban nila. Sa huli ay naging matumpay sila ngunit idineklara ng Capitol na ibinabalik ang dating patakaran na iisa lamang ang mananalo sa palaro. Bilang protesta sa ginawang deklarasyon, ay nagtangkang magpakamatay ang dalawa gamit ang parang duhat na prutas na tinatawag Nightlock Berries. Ito'y isinagawa ni Katniss upang pagprotesta sa panggigipit ng Capitol. Napatigil ang dalawa ng nag-deklara ang mga Gamemakers na binabawi ang huling deklarasyon at idineklara sila bilang ang mga nagwagi sa ika-74 na Hunger Games.

Sa katapusan ng palaro ay binalaan ni Haymitch si Katniss na siya'y isang politikal na kalaban na ng Capitol dahil mga ginawa niya sa palaro na nagpahiya nang lubos sa mga lideres ng Capitol. Ibinunyag ni Katniss na wala siya talagang may nararamdaman kay Peeta at lahat ng ginawa niya ay palabas lamang upang mailigtas niya si Peeta at ang sarili niya. Ngunit siya'y napapaisip ulit sa paghihiwalay nila pagdating ng District 12, napapaisip kung magiging pareho pa rin ba ang dati kung wala na si Peeta.