Ang Real Teatro di San Carlo ("Maharlikang Teatro ng San Carlos"), na orihinal na pinangalanan ng monarkiyang Borbon ngunit ngayon ay kilala lamang bilang Teatro (di) San Carlo, ay isang bahay opera sa Napoles, Italya, na konektado sa Maharlikang Palasyo at katabi ng Piazza del Plebiscito. Ito ang pinakamatandang patuloy na aktibong dausan ng opera sa buong mundo, na binuksan noong 1737, mga dekada bago ang La Scala ng Milan o La Fenice ng Venecia.[1]
Ang panahong opera ay tumatagal mula huli ng Enero hanggang Mayo, na ang panahon ng ballet ay nangyayari mula Abril hanggang unang bahagi ng Hunyo. Ang gusali ay dating may kapasidad na may 3,285 makauupo,[2] ngunit ngayon ay nabawasan sa 1,386 na puwesto.[3] Dahil sa laki, estruktura, at kalumaan nito, ito ang modelo para sa mga teatrong kalaunan ay itinayo sa Europa.