Taong pagala-gala

Ang mga taong pagalagala o mga taong lagalag (Ingles: mga nomad, nomadic people, itinerant) ay mga taong walang pamalagiang tahanan o mga taong walang pirmihang tahanan ay maaaring tumukoy, sa makitid na kahulugan, sa mga taong nagpapagala-gala upang makahanap ng pastulan. Maaari rin itong mangahulugan bilang "tribong namamastol". Sa diwa ng paggamit sa pangkasalukuyang kapanahunan, maaari itong tumukoy sa mga taong palibut-libot o mga taong mapaglakbay, na mga taong kasapi sa isang pamayanan ng mga tao na nagpapalipat-lipat mula sa isang lugar papunta sa iba pang pook, sa halip na manatili o mamirmihan nang palagian sa isang lokasyon. Mayroong tinatayang 30 milyon hanggang 40 milyong mga taong nomadiko sa buong mundo. [1]

Maraming mga kulturang tradisyunal na pagala-gala, subalit ang nakaugaliang ugaling nomadiko ay lalong nagiging bihira na sa mga bansang industriyalisado.

Mga sanggunian

  1. "Nomads: At the Crossroads – The Facts". New Internationalist (266). Abril 5, 1995.

TaoKasaysayanEkonomiya Ang lathalaing ito na tungkol sa Tao, Kasaysayan at Ekonomiya ay isang usbong. Makatutulong ka sa Wikipedia sa pagpapalawig nito.