Talambuhay

Ang talambuhay (mula sa pinagsamang mga salitang "tala" at "buhay" na may diwang "tala ng buhay") o biyograpiya ay isang anyo ng panitikan na nagsasaad ng kasaysayan ng buhay ng isang tao hango sa mga tunay na tala, pangyayari, at impormasyon.

Mga uri ng talambuhay

Uri ng talambuhay ayon sa paksa at may-akda

  1. Talambuhay na pang-iba- isang paglalahad ng mga kaganapan sa buhay ng isang tao na isinulat ng ibang tao.
  2. Talambuhay na Pansarili- isang paglalahad tungkol sa buhay ng isang tao na siya mismo ang may akda.
  3. Talambuhay Pangkayo- isang paglalahad tungkol sa buhay ng isang tao na naging sikat sa isang bansa, lalawigan, bayan, o kahit sa isang maliit na pamayanan o grupo ng mga tao dahil sa angking galing ng mga ito.

Uri ng talambuhay ayon sa nilalaman

  1. Talambuhay na Karaniwan- isang paglalahad tungkol sa buhay ng isang tao mula pagsilang hanggang sa kanyang pagkamatay. Kasama rito ang detalye tulad ng kanyang mga magulang, mga kapatid, kapanganakan, pag-aaral, karangalang natamo, mga naging tungkulin, mga nagawa, at iba pang mahahalagang bagay tungkol sa kanya.
  2. Talambuhay na Di-Karaniwan o Palahad- hindi gaanong sapat dito ang mahahalagang detalye tungkol sa buhay ng tao maliban kung ito’y may kaugnayan sa simulain ng paksa. Sa halip ay binibigyang-pansin dito ang mga layunin, adhikain, simulain, paninindigan ng isang tao, at kung paano nauugnay ang isang tao sa kanyang tagumpay o kabiguan.....

Talambuhay Ang lathalaing ito na tungkol sa Talambuhay ay isang usbong. Makatutulong ka sa Wikipedia sa pagpapalawig nito.