Ang Nevada ay isang estado na matatagpuan sa KanlurangEstados Unidos. Ayon sa senso ng Estados Unidos noong 2010, pantatlumpu't-anim na pinakamataong estado ang Nevada na may &0000000002700691.0000002,700,691 katao at pampitong pinakamalaki ayon sa lawak ng lupa ma umaabot sa 109,781.18 milya kuwadrado (284,332.0 kilometro kuwadrado).[1] Nahahati ang Nevada sa labimpitong (17) kondado at may 19 na mga nasapi (o nainkorporadang) munisipalidad.[2] Bagaman sumasakop lamang ang mga munisipalidad sa humigit-kumulang isang porsyento ng masa ng lupa ng estado, ang mga ito ay tinitirhan ng humigit-kumulang 56.7 porysento ng populasyon.[1]
Maliban sa kabisera nitong Carson City (na walang paglalarawang naaayon sa batas subalit itinuturing lungsod ng marami), lahat ng mga nasapi (o nainkorporadang) pamayanan sa estado ay kinikilala ng batas ng estado bilang mga lungsod.[2] Upang masapi bilang isang munisipalidad, isang petisiyon para sa pagsasapi ay maaaring isagawa sa lupon ng mga komisyonado ng kondado na magsasaalang-alang sa mga batayang heograpiya, demograpiya, at ekonomiya.[3] Ang mga lungsod ay may pananagutan sa pagbibigay ng mga lokal na paglilingkod tulad ng pagtatanggol sa apoy at proteksiyon mula sa kapulisan, pagpapanatili ng daan, pagmamahagi ng tubig, at pagpapanatili ng alkantarilya.[3]
Sang-ayon sa senso noong 2010, ang pinakamalaking lungsod sa estado ay Las Vegas na may 583,756 katao, at ang pinakamaliit na lungsod ay Caliente na may humigit-kumulang 1,130 katao.[1] Batay sa lawak ng lupa, ang pinakamalaking lungsod ay Boulder City na umaabot sa 208.52 milya kuwadrado (540.1 kilometro kuwadrado), habang ang Lovelock naman ang pinakamaliit sa nasasakupan na umaabot sa 0.85 milya kuwadrado (2.2 kilometro kuwadrado).[1] Ang unang pamayanan na nainkorporada ay Carson City noong Marso 1, 1875, at ang pinakabagong pamayanan na nainkorporada ay Fernley noong Hulyo 1, 2001.[4][5]