Sa Burnei, walang lugar na kinikilala ng pamahalaan bilang "lungsod" (o "city"). Ang mga pook-arrabal sa Brunei Darussalam ay hinati sa mga kampong o "nayon". Ang mga ito'y maaaring pinangangasiwaan ng isang konseho ng nayon na pinamumunuan ng punong nayon o village head (Ketua Kampong), o ng isang konseho ng munisipal (Lembaga Bandaran). Ang mga lugar na pinamamahalaan ng konseho ng munisipal ay mga bayan (towns).
May tatlong konseho ng munisipal sa Brunei, at pinangangasiwaan ng mga ito ang apat na bayan.