Kailangang isapanahon ang artikulong ito. Pakitulungang isapanahon ang article na ito upang sumalamin ang kamakailang mga kaganapan o bagong impormasyon na mayroon na.(Mayo 2022)
Pagkatapos ng pelikulang nasabi ay pansamantalang tumigil si Susan sa pag-aartista at inasikaso muna ang pag-aaral at pagkalipas ng limang taon ay nagbalik ang isang batang paslit na isang dalagita na sa pelikulang Komedya ang Miss Tilapya subalit pangalawa lamang siya at suporta sa artista na noo'y reyna ng Sampaguita Pictures na si Gloria Romero.
Pagkaraan ng pelikulang iyon ay binigyan siya ng isang pelikulang maituturing na siya mismo ang bida, ito ay ang una niyang starring role ang Boksingera kung saan itinambal siya kay Luis Gonzales na isang Komedya-Dramang pelikula, subalit ang nasabing pelikula ay di gaanong pumutok sa takilya kaya sa kanyang mga sumunod na pelikula ay isinama muna siya sa mga bigating artista ng naturang kompanya.
Taong 1957 ng bigyan muli siya ng isang natatanging pagkaganap kasama ang baguhang si Romeo Vasquez sa pelikulang Prinsesang Gusgusin at isa sa mga contestant na nagsiwalat ng kanilang natatanging karanasan na Dramang-Panradyo na isinalin sa pelikula ang Mga Reyna ng Vicks na katunggali niya sa paglalahad ng kanyang natatanging buhay sina Amalia Fuentes, Gloria Romero at Rita Gomez.
alam ba ninyo na si Susan Roces ang nanalo bilang Pinakamagaling na Artista (FAMAS) noong 1978 para sa mala-Klasikong pagganap bilang si Maruja sa pelikulang Gumising ka Maruja.