Student Christian Movement of the Philippines

Student Christian Movement of the Philippines
FoundedDisyembre 27, 1960
Membershipkatuwang na kasapi, Sangguniang Pambansa ng mga Simbahan sa Pilipinas
IdeologyPambansang Demokrasya
Kristiyanismo
Colours              
Mother partyBagong Alyansang Makabayan
International affiliationWorld Student Christian Federation
NewspaperBreakthrough

Ang Student Christian Movement ng Pilipinas (Kilusang Kristiyanong Estudyante ng Pilipinas) ay isang ekumeniko na pambansa-demokratikong organisasyon na pinamunuan ng mga kabataan sa Pilipinas. Nilalayon nitong itaguyod ang mga karapatan ng mga mag-aaral at lumahok sa maraming mga lokal at pandaigdigan na adbokasiya ng mga mamamayan.[1] Ito ay isang katuwang na kasapi ng Sangguniang Pambansa ng mga Simbahan sa Pilipinas.[2] Ito rin ay isang miyembro at isang nagtatag na organisasyon ng Kabataan Partylist.[3]

Kasaysayan

Ang Student Christian Movement of the Philippines ay itinatag noong Disyembre 27, 1960 sa pamamagitan ng Pambansang Asamblea ng 57 mga delegado na kumakatawan sa 52 mga yunit mula sa buong bansa.[1]

Ang pangkat ay lumahok sa kilusang pangmag-aaral sa Pilipinas noong 1960s at 1970s. Sa panahong ito, ito ay isa sa mga pangkat na hiningan ng tulong ang Kabataang Makabayan para sa pagpapalawak ng huli.[4] Taong 1971 nang naglabas ang samahan ng isang pahayag na nagsasama ng teolohiya ng paglaya sa lokal na Maoismo, upang ituloy ang pakikibaka laban sa imperyalismong US at lokal na piyudalismo at kapitalismo. Ito ay nakaimpluwensya sa mga radikal na Kristiyano, katulad nina Luis Jalandoni at Ed de la Torre.[5]

Noong maagang pangangasiwa ni Pangulong Gloria Macapagal-Arroyo, isang hakbangin sa kabataan na tinawag na Kilusang Kabataan para sa Katarungan at Makabuluhang Pagbabago, na binubuo ng Anakbayan (AB), League of Filipino Students, College Editors' Guild of the Philippines, National Union of Students of the Philippines, at Student Christian Movement of the Philippines ay nagpulong sa tanggapan ng Anakbayan sa Padre Noval, Sampaloc, Maynila, upang talakayin ang mga planong isulong ang interes ng kabataang Pilipino. Ang mga talakayan ay ginawa dahil sa pagkadismaya na dinala ng bagong administrasyon. Nang maglaon, ang mga pag-uusap na ito ay nagtapos sa pagbuo ng Anak ng Bayan Youth Party (Kabataan Partylist) noong Hunyo 19, 2001, kasabay ng kaarawan ni José Rizal.[3]

Mula noong 2000, ang Student Christian Movement of the Philippines ay nanatiling aktibo sa kilusang mag-aaral sa Unibersidad ng Pilipinas[4], pati na rin sa iba pang paaralan at lalawigan sa Pilipinas.

Mga kaugnay

Ang Student Christian Movement of the Philippines ay kaugnay sa mga sumusunod na pederasyon at asosasyon:

Mga alumnus

Kabilang sa mga alumnus (senior friend) ng SCMP sina:

Mga sanggunian

  1. 1.0 1.1 "Student Christian Movement of the Philippines". Peace Insight (sa wikang Ingles). Nakuha noong 2020-10-30.[patay na link]
  2. "Our Associate Members" (sa wikang Ingles). Nakuha noong 2020-10-30.
  3. 3.0 3.1 "Anak ng Bayan Youth Party". webcache.googleusercontent.com. Nakuha noong 20 June 2020.
  4. 4.0 4.1 Lumbera; Taguiwalo; Tolentino; Gillermo; Alamon, mga pat. (2008). Serve the People: Ang Kasaysayan ng Radikal na Kilusan sa Unibersidad ng Pilipinas (PDF). IBON Foundation, Congress of Teachers and Educators for Nationalism and Democracy (CONTEND) Alliance of Concerned Teachers (ACT).
  5. Shoesmith, Dennis (1979). "Church and Martial Law in the Philippines: The Continuing Debate". Southeast Asian Affairs: 246–vi. ISSN 0377-5437.