Si Stuart Fergusson Victor Sutcliffe (Hunyo 23, 1940 – Abril 10, 1962) ay naging isang maagang kasapi sa Ingles na bandang The Beatles. Ipinanganak siya sa Edinburgh, Eskosya at lumaki sa Liverpool, Inglatera. Siya ang orihinal na bahistang gitarista ng banda, subalit tumiwalag bago naging tanyag ang pangkat. Nais niyang maging artista, at nagbalik siya sa paaralan ng sining, na kinailangang niyang iwanan upang sumali sa The Beatles. Namatay si Sutcliffe noong 1962 sa Hamburg, Alemanya dahil sa isang pagdurugo sa utak. Matagal nang iniisip na ang pagdurugong ito ay dahil sa isang pakikipag-away pagkaraan ng isang konsiyerto noong 1961, subalit pinaniniwalaan na ngayon na maaaring ipinanganak si Sutcliffe na mayroong isang kondisyong medikal na nagdulot nito.
Ang lathalaing ito na tungkol sa Tao, Talambuhay at Inglatera ay isang usbong. Makatutulong ka sa Wikipedia sa pagpapalawig nito.
|
---|
International | |
---|
National | |
---|
Artists | |
---|
Other | |
---|