Ang higlikas, supernatural, o sobrenatural (Ingles: supernatural [bigkas: /su-per-na-tyu-ral/] o supranatural [bigkas: /su-pra-na-tyu-ral/], at preternatural [bigkas: /pre-ter-na-tyu-ral/], Kastila: sobrenatural) ay nangangahulugang higit, nakaangat, o mas mataas kaysa sa mga batas o kurso ng kalikasan[1] Tumutukoy ito sa kaantasan ng mga pag-iral na lumalampas sa makaagham na nakikitang sanlibutan o uniberso[2], at mahigit kaysa sa nakakayang gawin ng isang tao.[3] Kaugnay ito ng mga bagay-bagay, mga nilalang, mga pangyayari o kaganapan, o mga katulad, na mahiwaga o may kahiwagaan, may milagro o kababalaghan (penomeno), mahimala, o milagrosa.[4] Sapagkat hindi ito ayon sa o hindi kumporme sa kalikasan, kaakibat din ito ng pagiging di-natural, abnormal, at di-pangkaraniwan.[1]