Makakatulong po kayo sa pagpapabuti nito sa pamamagitan ng pagdagdag ng mga maaasahan at mapagkakatiwalaang sanggunian. Tandaan lamang po na agad na tatanggalin ang mga kaduda-dudang materyales nang walang sanggunian o di kaya'y mahina ang pagkakasangguni.
Mukhang kailangan pong ayusin ang artikulo na ito upang umayon ito sa pamantayan ng kalidad ng Wikipedia. (Marso 2007)
Si Maria Milagros Sumayao Serna o mas kilala bilang Snooky Serna ay isang premyadong aktres ng pinilakang tabing na sumikat noong dekada 70 bilang isang child actress at noong dekada 80 bilang isa sa mga 'Regal Babies'. Isinilang noong 4 Abril 1966 sa Maynila sa mag-asawang artista na sina Von Serna at Mila Ocampo, si Snooky ay ipinanganak na 'premature', pero nalampasan niya ang kritikal na kalagayan bilang sanggol at lumaking isang maganda at mahusay na artista.
Talambuhay
Tatlong taong gulang pa lamang si Snooky nang pinahanga niya ang madla at maging sikat na batang artista sa pelikulang Wanted: Perfect Mother kasama si Boots Anson-Roa. Nasundan pa ito ng mga pelikulang kina-panabikan at kinagiliwan ng mga manonood, at di nagtagal ay napanalunan niya ang Best Child Actress Award ng FAMAS noong 1973 sa pelikulang Sana Mahalin Mo Ako.
Dahil sa malakas na dugong Kastila si Snooky ay Matangkad, maganda at maputi, sa kanyang pagdadalaga, kinontrata siya ng Regal Films noong 1980 at inilunsad bilang isa sa mga orihinal na Regal Babies kasama sina Maricel Soriano, Dina Bonevie, Alfie Anido, Gabby Concepcion, William Martinez, atbp.
Higit na sa pitumpu't-pitong (77) pelikula ang napagbidahan ni Snooky sa kanyang 25 na taon sa pinilakang tabing mula 1970 hanggang 2004. Bukod pa dito ang mga tele-novela at drama anthology as telebisyon. Pinaka-giliwan siya ng publiko sa Blusang Itim. Pinaka-mahusay naman ang pag-arte niya sa Kapag Napagod Ang Puso at Inagaw Mo Ang Lahat Sa Akin.
Tinalikuran niya ang showbiz nuong huling bahagi ng dekada nobenta para na rin mapagtuunan niya ng pamilya bilang ina sa dalawang batang anak na babae, sina Samantha at Sachi. Pero di rin nagtagal ay kinailangan uli niyang kumayod kaya nag-audition siya sa IBC-13 bilang newscaster at dahil na rin sa galing at talino niya ay siya ang napili. Nabigyan din siya ng assignment bilang isang host ng magazine show na 'Travel and Trade'. Sa mga panahong ito ay may mga alok na sa kanya na maging kabahagi ng ilang tele-nobelas sa ibang estasyon pero kinailangan niyang tanggihan ang mga ito.
Matapos ang kanyang kontrata sa IBC ay malaya nasiyang naka-pili ng gusto niyang pasukang shows at una niyang napili ag 'Habang Kapiling Ka' ng GMA-7. Hindi siya nagkamali dahil naging maganda ang kanyang ginampanan dito at di nagtagal ay napansin siya ng PMPC Star Awards at naparangalan siya bilang Pinaka-mahusay ng Aktres sa Drama sa Telebisyon. Tapos noon ay sa ABS-CBN naman siya namayagpag bilang ina ni Claudine Baretto sa top-rating na 'Marina'.Pagkatapos ng Marina kinuha naman siya sa GMA 7 para sa Teleseryeng pang hapon ang Kaputol ng Isang Awit w/ Lovie Poe, Glaiza De Castor, Gary Estrada at Tirso Cruz III.
Filmograpiya
Telebisyon
February 2013 - TROPADS
2006 - Captain Barbell (TV Series-GMA-7) .... as Mrs. B
2005 - Maalaala Mo Kaya - 'Mariposang Dagat' (TV Episode-ABS-CBN-2).... as Magdalena
2004 - Marina (TV Series-ABS-CBN-2) .... as Esther Sto. Domingo
2003 - Habang Kapiling Ka (TV Series-GMA-7) .... as Olivia
2003 - Magpakailanman - 'Life Story of Snooky'(Episode-GMA-7).... portrayed by Angelika de la Cruz
2003 - Magpakailanman - 'Mga Mata ???' (TV Episode-GMA-7) ... as
2002 - Kay Tagal Kang Hinintay (TV Series-ABS-CBN-2).... as Maida Ventaspejo