Ang Slam Dunk ay isang 31-volume na Japanese manga na ginawa ni Takehiko Inoue. Ang manga ay tungkol sa isang basketball team sa Shohoku Mataas na Paaralan.
Naging sikat ito sa Japan at naghikayat ng maraming Hapones na tinedyer na maglaro ng basketbol. Dahil sa pagkahilig ng mga Pilipino sa larong basketbol, sumikat rin ito sa Pilipinas.
Isang 101-episode anime TV series at 4 na pelikula na binase sa manga ang naisagawa. Sinusunod ng anime series ang orihinal na istorya sa manga, pero binago ng konti ang katapusan nito. Ang mga pelikula naman ay gumagamit ng mga istoryang hindi magkaugnay sa isa't isa.
Sa Japan, inilathala ito sa Weekly Shonen Jump. Sa Pilipinas, inilalathala ng Summit Media Publishing ang Ingles na bersyon ng manga.
Manga
Ang Slam Dunk ay isang seryeng manga na isinulat ni Inoue Takehiko tungkol sa isang basketball team sa Shohoku High School. Ito ay unang ilinabas sa isang magazine na kung tawagin ay, Shueisha's Weekly Shonen Jump sa Japan noong taong 1990-1996 na ginawa ring anime. Ang Slam Dunk ay ginawa ng Toei Animation at ipinalabas sa buong mundo ngunit ito ay lubos na sumikat sa bansang Japan at sa mga kalapit nitong bansa partikular na ang Pilipinas. Kasunod nito ay ang paggawa ni Inoue Takehiko ng iba pang mga anime na sports na kung saan ang manga na Buzzer Beater at Real ay nabuo at ipinalathala. Noong taong 2010 si Inoue ay binigyan ng special na parangal ng Japan Basketball Association dahil sa pagtulong niya na mapalaganap at mapasikat ang sports na basketball sa buong Japan.
Istorya
Ang bida ng manga na ito ay si Hanamichi Sakuragi. Sa simula ay isa siyang lalaking tinedyer na mahilig makipag-away sa iba para maging sikat, kaya siya ay naging lider ng grupo niya. Ayaw ng mga babae kay Hanamichi at limampung beses siyang tinanggihan ng mga ito na maging kasintahan niya.
Di nagtagal at nalaman ni Hanamichi na si Haruko Akagi ang babaeng pinapangarap niyang makasama. Nakita naman ni Haruko ang potensiyal ni Hanamichi sa isports, kaya sinamahan niya si Hanamichi sa koponan ng basketbol sa Shohoku.
Sa simula ay ayaw ni Hanamichi na sumali sa koponan dahil wala siyang alam sa basketbol at akala niya na ang basketbol ay linalaro lamang ng mga talunan. (Sa totoo, ang ikalimampung babaeng tumangging maging kasintahan niya ay may gusto sa isang basketbolista.)
Sa kabila ng pagka-immature at ang pagkamainitin ng ulo niya, pinatunayan ni Sakuragi na isa siyang natural na atleta. Sumali siya sa koponan para ma-impress si Haruko sa kanya at para mapatunayan niya na karapat-dapat siya para kay Haruko.
Sumali rin sa team si Kaede Rukawa, isang star rookie at "girl magnet" na karibal ni Sakuragi sa basketbol at sa pag-ibig. Bumalik rin sa team sina Mitsui Hisashi, isang dating junior high school MVP, at si Ryota Miyagi, isang manlalaro na pandak pero mabilis kumilos. Kasama ang isa't isa, sisikapin nilang makamit ang pangarap ni Takenori Akagi, ang team captain, na maging kampeon sa bansa ang Shohoku High. Di nagtagal at naging sikat sila at ang koponan ng basketbol sa Shohoku ay naging all-star contender ng Japan.
Mga Tauhan
Shohoku
- . Hanamichi Sakuragi Numero.10 - Si Hanamichi Sakuragi ay ginawang Power Forward at Center ng Shohoku na may pulang buhok, sa simula pa lang ay ayaw na niya ng basketball dahil binasted na siya ng kanyang babae. Nang makilala niya si Haruko Akagi, tinuruan na siya kung paano gawin ang Slam Dunk. Nang makaaway niya si Kaede Rukawa sa rooftop ng eskwelahan, binasted na siya ni Haruko. Para makasali sa basketball, kinalaban niya si Takenori Akagi na kapatid ni Haruko sa basketball. Tinanggap na siya ng Shohoku dahil sa kanyang tangkad. Sa limang sunud-sunod na laban mula sa Miuradai hanggang sa Shoyo, nagkaroon si Sakuragi ng dalawampu't limang foul at sa kanyang maling nagawa mula sa pagkatalo nila sa Kainan, ipinagupit niya ang sariling buhok. Todo suporta sa kanya sa lahat ng mga laban niya sa basketball sina Haruko at ang apat niyang kasama sa gang.
- . Takenori Akagi Numero.4 - Si Takenori Akagi ay Center at Team Captain ng Shohoku at nakatatandang kapatid ni Haruko, para makasali si Sakuragi sa basketball team, naglaban sila ang nakuha niyang puntos ay 9 dapat sana 10 at nagtagumpay si Sakuragi sa 1 puntos pero bumagsak si Akagi. Nang makasali ito sa Shohoku Basketball Team, tinawag siyang Gori dahil mayroon siyang halintulad sa isang gorilya. Noong laban nila sa Kainan, sumakit ang kanyang paa at si Sakuragi ang pumalit sa kanya.
- . Kiminobu Kogure Numero.5 - Si Kiminobu Kogure ay Vice-Captain ng Shohoku at mabuting kaibigan nina Akagi at Mitsui. Noong pumasok sila sa Shohoku middle school ay mag-teammates na sila hanggang sina Sakuragi at Rukawa ay tinanggap nila.
- . Hisashi Mitsui Numero. 14 - Si Hisashi Mitsui ay Shooting Guard ng Shohoku. Noon sa huling taon niya sa Takeshi Junior High School, bigla siyang nadulas papunta sa mga upuan, ibinigay ni Coach Mitsuyoshi Anzai ang bola sa kanya at matagumpay niyang nai-shoot ang bola sa ring. Nanalo ang kanyang team at siya ang napili bilang MVP ng Takeshi Junior High School. Sa halip sa Ryonan, napili niya ang Shohoku dahil kay Coach Anzai. Hanggang sa sumakit ang kanyang kaliwang tuhod, itinakbo sa ospital, bumalik sa practice at umalis ng Shohoku.
- .Kaede Rukawa Numero. 11 - Si Kaede Rukawa ay isang Small Forward ng Shohoku. Si Rukawa ay tahimik, cool, makasarili, walang pakiramdam at sobrang lamig. Wala siyang pakialam bukod sa basketball. Kapag wala sa korte, karaniwang nakikita siyang natutulog sa bubong ng Shohoku o sa klase. Sinasakyan pa niya ang kanyang bisikleta na natutulog. Ang paggising kay Rukawa mula sa pagtulog ay itinuturing na hindi matatawaran, dahil halos palaging awtomatiko niyang bubugbugin ang salarin. Nasa makatarungang bahagi din siya sa mga laban sa labas ng korte, ngunit maaaring hawakan ang kanyang sarili, ngunit madaling mapulupot kung masuntok siya sa mga tadyang. Siya ay isang counter-puncher at nais na gumamit ng mga kandado ng pulso bago aktwal na nakikipag-away sa kamao. Si Rukawa ay isang scoring machine at kapag nag-init na siya, napakahirap pigilan siya. Palagi niyang ginugulat ang karamihan at hindi nabibigong sumagot pabalik kapag nakaharap sa isang malakas na kalaban. Siya ay isang microwave pagdating sa pagkakasala na may kakayahang magpainit at pumunta nang mabilis para sa isang bungkos na puntos. Ang isang halimbawa nito ay sa larong Kainan kung saan dahil sa pinsala ni Akagi ay umiskor siya ng 25 puntos sa loob ng 6 minuto. Nagagawa din niyang kopyahin ang mga galaw ng mga kalaban, mula sa mga fadeaway hanggang sa pumasa sa mga pagharang. At Naniniwala si Hanamichi Sakuragi na si Kaede Rukawa ang kanyang RIVAL.
- .Ryota Miyagi Numero. 7 - Si Ryota Miyagi ay isang Point Guard ng Shohoku ay ang pinakamalapit na kaibigan ni Sakuragi sa koponan. Matapos ang isang paunang hindi pagkakaunawaan na naging sanhi ng hidwaan sa pagitan nila (nakikipaglaban siya kay Mitsui nang dumating sina Sakuragi at Ayako, at naisip niya na nakikipag-date siya sa kanya), kapwa natagpuan ang pagiging kasama sa katotohanan na pareho silang naging malas sa pag-ibig, kahit na si Miyagi, na mayroon lamang tinanggihan ng 10 beses, bumagsak pa rin sa tala ni Sakuragi na tinanggihan ng 50 beses. Si Miyagi ay isa sa pinakamahusay na point guard sa Kanagawa Prefecture. Sa kabila ng kanyang maliit na pagbuo, nakakasabay niya sina Kenji Fujima ng Shoyo at Shinichi Maki ng Kainan dahil sa kanyang bilis at kamalayan sa korte. Dahil sa kanyang hindi kapani-paniwala na bilis at kasanayan, binansagan siya bilang 'Lightning Flash Ryota' ng ilang iba pang mga manlalaro. Ang kanyang mga kakayahan bilang isang point guard ay napakahusay na maraming mga manlalaro tulad ng Sendoh ng Ryonan at Maki ng Kainan ang nag-quote na siya ay isang manlalaro na hindi dapat isaalang-alang.
Ang Pag-ere ng Anime sa Pilipinas
Taong 1995 unang lumabas sa Pilipinas ang anime na bersyon nito, sa estasyong ABC.
Pero mas sumikat ang anime na ito nang ipalabas ito sa GMA noong 6 Mayo 2002. Noong 2004, ipinakita rin sa GMA ang apat na pelikula ng Slam Dunk bilang mga "bagong episodes" ng programa. Dahil sa kasikatan nito ang anime ay pilit pa ring pinapalabas ng paulit ulit sa magkaibang time slot.
Mga panlabas na link