Ang Sirmium ay isang sinaunang lungsod sa Romanong lalawigan ng Pannonia, na matatagpuan sa ilog Sava, sa lugar ng modernong Sremska Mitrovica sa hilagang Serbia. Una nang nabanggit noong ika-4 na siglo BK at orihinal na tinitirhan ng mga Ilirio at Selta,[1] sinakop ito ng mga Romano noong ika-1 siglo BK at pagkatapos ay naging kabisera ng lalawigang Romano ng Pannonia Inferior. Noong 294 AD, ipinahayag ang Sirmium na isa sa apat na kabesera ng Imperyong Romano. Ito rin ang kabisera ng Praetorianong prepektura ng Illyricum at ng Pannonia Secunda. Ang pook ay protektado bilang isang Arkeolohikong Pook na may Natatanging Kahalagahan. Ang modernong rehiyon ng Syrmia (Srem o Srijem) ay ipinangalan sa lungsod.
Mga sanggunian
- ↑ "Mesto Sremska Mitrovica, upoznaj Srbiju". Inarkibo mula sa orihinal noong 14 May 2014. Nakuha noong 1 October 2014.