Ang Sersale ay isang komuna sa lalawigan ng Catanzaro sa rehiyon ng Calabria ng Italya. Noong 2013, ang Sersale ay may tinatayang populasyon na 4,701.[3] Ang Sersale ay itinatag noong 1620. Pinangalan ito sa isang baron na nagngangalang Francesco Sersale na nagmamay-ari ng maraming lupain sa lugar na nakapalibot sa kasalukuyang mga hangganan ng Sersale. Si Francesco Sersale at ang kaniyang pamilya ay nagmula sa Napoles. Mayroong mga tala ng pamilyang ito sa lugar na iyon mula pa noong 1271.
Mga panlabas na link
Mga pinagkuhanan