Sentrong Pambansa ng Akwatika ng Beijing

Beijing National Aquatics Centre
Water Cube

The National Aquatics Center, with the Beijing National Stadium in the background

Buang pangalan: Beijing National Aquatics Center
Mga palayaw: Water Cube
Lungsod: Beijing, China
Kakayahan: 6,000 (17,000 during Olympics)
Itinayo: 2004–2007
Binuksan: 2008
Mga arkitekto: PTW Architects, CSCEC, CCDI, and Arup

Ang Sentrong Pambansa ng Akwatika ng Beijing (tradisyunal na Tsino: 北京國家游泳中心; payak na Tsino: 北京国家游泳中心), kinikilala ring bilang Tubig Kubo (水立方) o dinaglat na [H2O]3[1], ay isang sentro ng palarong pantubig na itinayo sa tabi ng Pambansang Istadyum ng Beijing sa Luntiang Olimpiko para sa Palarong Olimpiko sa Tag-init 2008. Ikinaton ito noong 24 Disyembre 2003, Bisperas ng Pasko.

Arkitektura

Pagtingin sa silangan, paglampas ng Sentrong Pambansa ng Akwatika matutungo ang pambansang istadyum.

Ang Tubig Kubo, ang palayaw ng gusali, ay dinisenyo ng PTW Architects (isang Awstralyanong kompanyang pang-arkitektura)[2], Sabansaang Disenyo ng CSCEC at Arup na may mga Inhinyerong panggusaling Arup na nagsaisip ng gusali. Itinayo ang gusali ng Korporasyon ng Inhineriyang Pagtatayo ng Estado ng Tsina (CSCEC).

Binubuo ng siwang-bastagang bakal, ito ang pinakamalaking estrukturang benahang ETFE sa buong daigdig na may sukatang 100,000 metrong kubo ng unang EFTE na may walong isang-ikasanlibo ng isang dali lamang sa kabuuang kapal.[3] Ang pagbebenang ETFE ay nagkakaroon ng maraming ilaw at nakakabawas ng init nang higit kaysa sa makalumang salamin, nagdudulot ng katipiran sa halaga ng enerhiya nang 30%.[3] Ang panlabas na gusali ay nakabatay sa estrukturang Weaire-Phelan, isang linab (estrukturang na may anyo ng bula ng sabon).[4] Ang pasimundan ay hinulma sa pamamagitan ng pagbitag ng isang hiwa ng linab at napili ito sa pagtatangi sa linab na Kevin sapagka't ang higit na maraming hugnayang estrukturang Weaire-Phelan ay nagbubunga sa higit na iregular, organikong pasimundan kaysa sa mga hiwa sa pamamagitan na nakagawiang linab na Kevin.[5]

Ang gusali ay may kakayahang magpaupo ng 17,000 katao sa panahon ng laro na magbabawas sa 6,000 pagkatapos. Ito ay may kabuuang lawak na 65,000 at magsasaklaw ng kabuuan ng 7.8 akre (32,000 metrong parisukat).[3]

Paligsahang Olimpiko

Ang mga kaganapang paglalangoy, pagtalong-sisid at sabayang paglalangoy ay gaganapin sa Sentrong Pambansa ng Akwatika sa panahon ng Olimpiko. Ang kaganapang polong pantubig ay likas na gaganapin sa lugar na ito subali't lumipat sa Natatoryum na Ying Tung.

Gawad

Ang Sentrong Pambansa ng Akwatika ng Beijing sa kalagitnaan ng pagtatayo
Ang Tubig Kubo ay lumiliwanag sa gabi.
Ang tanging gawad ukol sa pinakamatagumpay gawa sa bahagi ng Himpapawid ay iginagawad sa Awstralyanong establisyamentong pang-arkitektura ng PTW Architects, CSCEC + Design at Arup para sa proyektong Sentrong Pambansa ng Languyan, Luntiang Olimpiko, Tsina. Ang proyekto ay nagpapakita sa paraan ng pagtutulingag, paano makapaglikha ng mapagliming morphing ng agham molekular, arkitektura at penomenolohiya ang mahangin at mahamog na himpapawid para sa karanasang pansarili ng kaluwagan ng tubig"

 
— Kotasyo mula sa ulat ng Hurado ng mga Gawad Opisyal ng Ika-9 na Pandaigdigang Eksibisyon ng Arkitektura - METAMORPH, Dalawang Taunan ng Venice
  • 2004 - Dalawang Taunan ng Venice - Gawad para sa pinakabuong gawa sa bahagi ng Himpapawid[6]
  • 2006 - Popular Science: Pinakamainam ng anong bago 2006 sa inhinyeriya[3]

Tingnan din

Sanggunian

  1. "Archive copy". Inarkibo mula sa orihinal noong 2008-05-28. Nakuha noong 2008-08-04.{{cite web}}: CS1 maint: archived copy as title (link)
  2. "PTW". Inarkibo mula sa orihinal noong 2008-07-18. Nakuha noong 2008-08-04.
  3. 3.0 3.1 3.2 3.3 arup.com (2006), "Best of What's New 2006 - Engineering", Popular Science 269 (6): 84-85
  4. Beijing venues - National Aquatics Centre, on BBC Sports.
  5. Welcome to WaterCube, the experiment that thinks it's a swimming pool by Peter Rogers in The Guardian, May 6, 2004
  6. "PTW Projects:Watercube-National Swimming Center". Inarkibo mula sa orihinal noong 2006-08-19. Nakuha noong 2006-12-06.

Mga panlabas na kawing

Padron:Palarong Olimpiko sa Taglamig 2022