Ang sebo de matso[1] (Ingles: skin emollient; mula sa Kastila: sebo de macho, o "langis ng barako/toro") ay isang uri ng gamot na nakapag-aalis ng mga peklat at pilat, o mga bakas ng mga sugat, sa katawan. Tinatawag din itong emolyente at nakapagpapalambot ng kutis.[2] Sa larangan ng panggagamot, inilalarawan ito bilang mga panlabas na pamahid o aplikasyon na nagsasanggalang o nagpuprotekta, nakapagpapaginhawa, at nakapagpapalambot ng lamuymoy ng balat. Halimbawa ng iba pang mga emolyente ang langis, baselina, malamig na krema, pulbos ng yeso, pinulbos na gawgaw, malambot na pagkit ng parapina, mga pomento o pumento (maiinit at mamasa-masang mga pantapal sa balat), at mga implasto o patse (dinikdik na mga dahon o pinainitang putik). Katulad ng mga epekto ng mga emolyente ang sa mga demulsenteng pamahid na ginagamit naman sa loob ng katawan.[3]
Tingnan din
Sanggunian
Ang lathalaing ito na tungkol sa Kalusugan at Panggagamot ay isang usbong. Makatutulong ka sa Wikipedia sa pagpapalawig nito.