Scorpio ang pinakawalong signos ng sodyak at pinamumunuan ng buntalang Pluto. Napakalakas ng signo na ito. Walang anomang signos sa sodyak ang napakalakas na gumawa ng kasamaan o kabutihan kundi ang Scorpio lang.
Napakatindi ng lakas ng loob ng mga taong ito at mapusok ang kanilang mga damdamin. Ang kanilang mga libido at interes sa pakikipagtalik ay sadyang masidhi. Kapag gumawa ang mga Scorpio, tatapusin niya talaga ito. Ayaw niya ng mga pahinto-hinto o di-tuloy tuloy na trabaho. Wala silang takot mamatay, laban kung laban.
Sa kadahilanang masidhi ang kanilang mga kalooban, kailangan ng mga scorpio na mataas ang kanilang mga integridad sa sarili, dahil kapag hindi, babagsak sila sa mga maling gawain gaya ng pagiging bayolente dahil sa sobrang selos, sobrang galit, sobrang pagkamuhi at sobrang mapang-angkin.
Parating sobrang subsob ang mga Scorpio sa trabaho. Grabe kung pwersahin nila ang kanilang mga sarili. Ganun din minsan ang kanilang ginagawa sa iba. Ayaw nila na mahina ang mga sarili nila, at lalong ayaw na ayaw niyang nakikita ang mga kahinaan ng iba.
Karaniwan, tutulungan nila ang ibang ito, pero dahil natulungan nila ang mga ito, inaasahan din naman ng mga Scorpio na yung tinulungan nila ay tutulungan din nila ang kanilang mga sarili at di na aasa pa sa iba.
Tahimik at mapaglihim ang mga Scorpio. Delikado itong kalaban dahil Walang-awa ito sa mga kaaway o mga kakumpetensiya niya.
Mapanghigante ang mga Scorpio, mapang-uyam (sarkastiko), mapanudyo, di-mabilis maniwala sa mga sabi-sabi, suspetsuso, malihim, pero determinado, at talagang nag-aalay ng buhay kung kinakailangan.
Interes ng mga Scorpio ay pakikipagtalik, pagbubunyag ng mga misteryo, pera ng ibang tao, at mga kapangyarihang nadadama lang pero di nakikita. ilan pa sa mga katangian ng Scorpio ay ang malalim mag isip, mahilig magtago ng damdamin, at malakas ang loob. Panatiko na minsan nagiging inggit, selos o obsesyon at magaling magtago ng lihim
Pagsasalarawan: Maparaan, o madaling gumawa ng paraan
Katanyagan: Sobrang determinado
Depekto: Mapaghiganti
Kung ang Scorpio ay nasa cusp (bakuran) ng isang Bahay ng sodyak, o kung alin mang buntala ang nasa Scorpio, ang suliranin ng buntalang iyon o ng Bahay na iyon ay naiimpluwensiyahan ng lihim, pang-uudyok, pwersahan, masidhing damdamin o kagustuhan, selos, away na hanggang kamatayan, mapang-angkin, pwersahang pagbabago, negatibong pag-iisip, at misan lugar kung saan rurok talaga ang kasalbahian.[1]
Galeriya
Mga sanggunian
↑Hewitt, William, Astrology for Beginners, 2002, B. Jain Publishers, New Delhi, pp.288, ISBN: 81-7021-1180-1 Author unknown, Your Horoscope,2004,Amos Books, inc. pp 121