Sayaw ng Hudyo

Ang sayaw ng Hudyo (Ingles: Jewish dance) ay tumutukoy sa mga sayaw na may kaugnayan sa mga Hudyo at sa Hudaismo. Ang sayaw ay matagal nang ginagamit ng mga Hudyo bilang isang paraan ng pagpapahayag ng katuwaan at iba pang mga damdaming pampamayanan. Ang pagsasayaw ay isang paboritong pampalipas ng oras at nagkaroon ng isang gampanin sa pagsasagawa ng mga bagay na panrelihiyon.[1]

Ang mga sayaw na may kaugnayan sa mga tradisyong Ashkenazi at Sephardi, natatangi na sa mga sayaw sa kasal ng Hudyo, ay isang mahalagang bahagi ng buhay ng mga Hudyo sa Estados Unidos at sa palibot ng mundo. Ang mga sayawing-bayan na mayroong kaugnayan sa Zionismo at sa pagbuo (pormasyon) ng Estado ng Israel ay naging popular noong dekada ng 1950.[2]

Sayaw na mayroong estilong Hasidiko

Sa piling ng mga Hudyong Ashkenazi sa Silangang Europa, ang pagsasayaw sa musikang klezmer ay isang talagang kasamang bahagi ng mga kasalan sa loob ng shtetl. Ang sayaw na panghudyo ay naimpluwensiyahan ng katutubo o lokal na mga tradisyong pangsayaw ng mga hindi Hudyo, subalit mayroong malinaw na mga pagkakaiba, pangunahin na sa mga galaw ng kamay at bisig, na mayroong mas masasalimuot o kumplikadong mga galaw ng binti o paa na isinasagawa ng mga lalaking kabataan.[3] Kumukunot ang noo ng pamayanang makarelihiyon sa mga sayaw na magkakahalo, na nagdidikta ng hiwalay na pagsasayaw ng kalalakihan at ng kababaihan

Sa Hudaismong Hasidiko, ang sayaw ay isang kasangkapan para sa pagpapahayag ng kasiyahan at pinaniniwalaang mayroong isang epektong panlunas o terapeutiko (nakapagpapagaling): Dinadalisay nito ang kaluluwa, nagtataguyod ng pagmamalaking pang-espiritu, at nagbibigay ng pagkakaisa sa pamayanan.[4]

Sayawing-bayan ng mga Israeli

Ang sayawing-bayan ng mga Israeli ay umunlad noong kaagahan ng mga araw ng pagkakaroon ng pamayanang Zionista sa Lupain ng Israel. Isa itong napaka masaganang anyo ng sayaw na nagpapasalamin ng katuwaan ng mga tao na nagbabalik sa kanilang inang-bayan.[5]

Horah

Ang Horah ay isang pabilog o paikot na pagsasayaw na karaniwang sinasaliwan ng musika ng Hava Nagila. Nakaugaliang isinasayaw ito sa mga kasalang Hudyo at iba pang mga okasyong masasaya sa loob ng pamayanan ng mga Hudyo.[6] Ipinakilala ang hora sa Israel ng lalaking mananayaw na Hudyong Romano na si Baruch Agadati. Noong 1924. Nakiisa si Agadati sa piling ng isang kompositor at manunulat ng awit upang makagawa ng koreograpo para sa isang palabas na itinanghal ng Kompanyang Pangteatrong Ohel (Ohel Theater Company), na naglakbay at nagtanghal sa mga tagapanimulang mga pamayanan sa Lambak ng Jezreel. Ang sayaw na ito na nakikilala bilang "Hora Agadati" ay kaagad na naging matagumpay.[7]

Tingnan din

Mga sanggunian

  1. Landa, M. J. (1926). The Jew in Drama, p. 17. New York: Ktav Publishing House (1969). Ang bawat isang pamayanang Hudyong diyasporiko ay nakapagpaunlad ng sariling nitong mga kaugaliang pangsayaw para sa mga pagdiriwang ng pag-iisang dibdib (kasal) at iba pang bukod-tanging mga kaganapan.
  2. "Jewish Dance in America". Inarkibo mula sa orihinal noong 2013-01-27. Nakuha noong 2013-02-06.
  3. Yiddish, Klezmer, Ashkenazic or 'shtetl' dances Naka-arkibo 2011-08-12 sa Wayback Machine., Le Site Genevois de la Musique Klezmer. Napuntahan noong 12 Pebrero 2006.
  4. Hasidism: Dance
  5. Israeli Dance: History of Israeli Dance. Part of Judaism. About.com. Napuntahan noong 12 Pebrero 2006.
  6. "Mga tradisyong pangkasal". Inarkibo mula sa orihinal noong 2017-09-30. Nakuha noong 2013-02-06.
  7. Kasaysayan ng Hora

Mga kawing na panlabas