Si Sarah Bernhardt (Pagbigkas sa Pranses: [sa.ʁa bɛʁ.nɑʁt];[1] c. 22/23 Oktubre 1844 – 26 Marso 1923), na ipinanganak bilang Henriette Bernard,[2], ngunit mayroon ding napagsanggunian na nagsasabing siya ay ipinanganak bilang Rosine Bernardt,[3] ay isang Pranses na aktres na pang-entablado at maagang uri ng pelikula, at tinukoy bilang "ang pinakabantog na aktres na nakilala ng mundo".[4] Natamo ni Bernhardt ang katanyagan sa mga entablado ng Pransiya noong dekada ng 1870, at kaagad na naging tinatangkilik at kinasasabikang mapanood sa Europa at sa Kaamerikahan. Nakapagpaunlad siya ng isang reputasyon bilang isang seryosong aktres na pangdrama, na nakapagpakamit sa kaniiya ng bansag na "The Divine Sarah" (Ang Dibinang si Sarah). Sa paglaon, nakilala siya bilang Sara-Marie-Henriette Rosine Bernard.
↑Firth, Lesley (Patnugot Panlahat) atbp. (1985). "WHO WAS KNOWN AS "THE DIVINE SARAH?"". Who Were They? The Simon & Schuster Color Illustrated Question & Answer Book. Little Simon Book, Simon & Schuster, Inc., Lungsod ng Bagong York, ISBN0671604767., (...) "Sarah Bernhardt, born Henriette Bernard in 1844 (...), pahina 93.
↑Snel, Harmen. The ancestry of Sarah Bernhardt; a myth unravelled, Amsterdam, Joods Historisch Museum, 2007, ISBN 978-90-802029-3-1, pp 9–10.