Ang Duke ng Milan na si Francesco I Sforza ay nag-utos ng pagtatayo ng isang Dominikanongkumbento at simbahan sa lugar ng isang naunang kapilya na nakaalay sa debosyon kay Maria na Santa Maria ng mga Grasya. Ang pangunahing arkitekto, si Guiniforte Solari, ay nagdisenyo ng kumbento (ang Gotikongnabe),[2] na natapos noong 1469. Ang pagtatayo ng simbahan ay tumagal ng ilang dekada. Nagpasya si Duke Ludovico Sforza na ang simbahan ay magsilbing libingan ng pamilya Sforza, at muling itinayo ang klaustro at ang abside, na parehong natapos pagkatapos ng 1490. Ang asawa ni Ludovico na si Beatrice ay inilibing sa simbahan noong 1497.
Mga sanggunian
↑Weigert, Hans (1961). Busch, Harald; Lohse, Bernd (mga pat.). Buildings of Europe: Renaissance Europe. New York: The Macmillan Company. p. 27.