Ang Santa Cristina Gherdëina (Italyano: Santa Cristina Valgardena [ˈsanta kristiːna ˌvalɡarˈdeːna, - ˌvalɡarˈdɛːna]; Aleman: St. Christina in Gröden [saŋkt krɪstiˑna ɪn ˈɡrøːdn̩]) ay isang comune (komuna o munisipalidad) sa Lalawigang Awtonomo ng Bolzano, rehiyon ng Trentino-Alto Adigio, hilagang Italya, na matatagpuan mga 30 kilometro (19 mi) silangan ng Bolzano. Ang Saslong ski run nito ay tahanan ng Super-G at Downhill para sa mga karera ng kalalakihan sa FIS Ski World Cup.
Heograpiya
Noong Disyembre 31, 2010, mayroon itong populasyon na 1,900[3] at may sukat na 31.82 square kilometre (12.29 mi kuw).[4]
Ang munisipalidad ng Santa Cristina ay may hangganan sa mga sumusunod na munisipalidad: Campitello di Fassa, Kastelruth, Villnöß, Urtijëi, San Martin de Tor, at Sëlva.
Lipunan
Distribusyon ng wika
Ayon sa senso noong 2011, 91.40% ng populasyon ang nagsasalita ng Ladin, 4.41% Italyano, at 4.19% Aleman bilang unang wika.[5]
Ebolusyong demograpiko
Mga sanggunian
Mga panlabas na link