Nakikilala ang Salot na Itim, sang-ayon sa mga salaysay, sa pamamagitan ng mga bubas (pamamaga sa gangliyo linpatiko), katulad ng nangyari noong ika-19 na siglo sa Asyanong bubonikong salot. Pinalagay ng mga siyentipiko at mga dalubhasa sa kasaysayan noong unang bahagi ng ika-20 siglo na ang Salot na Itim ay pagsiklab ng kaparehong sakit, na sanhi ng Yersinia pestis at kinalat sa pamamagitan ng pulgas sa tulong ng ibang mga hayop tulad ng itim na daga (Rattus Rattus). Bagaman, pinag-alinlangan kamakailan lamang ng ilang mga siyentipiko at mga dalubhasa sa kasaysayan ang palagay na ito,[2] at may mga ilang mananaliksik na naniniwalang isang balinguyngoy na lagnat ang sakit batay sa pang-epidemiyolohika paliwanag ng makasaysayang mga tala ng pagkalat ng sakit.[3][4] Bagaman, mas maihahambing ang pinakamalapit na dahilan ng pang-klinikang anyo ng sakit sa bubonikong salot.[5]
Tinatayang nasa 75 milyong katao ang kabuuang bilang ng mga namatay sa pandemyang ito,[6] at tinatayang nasa 25–50 milyon nito ang nangyari sa Europa.[7][8] Tinatayang nakapatay ang Salot na Itim ng mula 30% hanggang 60% ng populasyon ng Europa.[9][10][11] Maaaring nabawasan ang populasyon ng Daigdig sa mga 350 at 375 milyon noong 1400.[12]
Ang salot na sakit, sanhi ng Yersina Pertis, ay isang insotiko sa populasyon ng mga kuto dala ng mga panlupang hayop na nangangatngat, pati na rin ang mga Marmot, sa iba't- ibang lugar kasama ang Sentral ng Aprika, Kurdistan, Kanlurang Asia, Hilagang India at Uganda. Ang mga Nestorians ay nag- ukit noong 1338- 1339 malapit sa Lake Issyk Kul sa Kyrgyzstan ay may mga inskripsyon patungkol sa salot at naturuan ng maraming mga epidemiologo para mamarkahan ang paggulo ng epidemiya, na kung saan ito ay napakabilis kumalat sa Tsina at India. Noong Oktubre 2010, ang mga medical geneticist ay nagmungkahi na ang lahat na malalakas na alon ng salot ay galing sa Tsina. Sa Tsina, ang pangatlong siglong Mongol Conquest ay nagsanhi ng paghina sa pagsasaka at pakikipagkalakal. Gayunman, ang paunti- unting pagbalik ng ekonomiya ay naobserbahan na sa umpisa ng ika- labing apat na siglo. Noong 1330s ay isang malaking bilang ng natural na kalamidad at salot na napunta sa malakihang pagkalat ng tag-gutom, nagsimula noong 1331, na may nakamamatay na salot na dumating pagkatapos. Ang mga epidemyang ito na may dalang mga salot ay pinatay ang halos 25 milyong mga Tsino at iba pang mga Asyano noong 15 taon bago ito makaabot sa Constantinople noong 1347. Gayunman, ayon kay George Sussman, ang unang malinaw na deskripsyon ng medikal ng salot sa Tsina noong 1644.
↑Kelly, John (2005). The Great Mortality, An Intimate History of the Black Death, the Most Devastating Plague of All Time. HarperCollins Publisher Inc., New York, NY. ISBN 0-06-000692-7. Page 295.
↑Stéphane Barry at Norbert Gualde, sa L'Histoire n° 310, Hunyo 2006, pp.45–46, sinasabing "sa pagitan ng 33% hanggang 66%"; Robert Gottfried (1983). "Black Death" sa Dictionary of the Middle Ages, bolyum 2, pp.257–67, sinasabing "sa pagitan ng 25 at 45 porsiyento".
↑"The Black Death". History.boisestate.edu. Inarkibo mula sa orihinal noong 2013-08-25. Nakuha noong 2008-11-03.