Ang salamangka[1][2], mahika, o madyik (Ingles: magic) ay isang gawain o talento ng isang salamangkero na matatawag ding sining ng mahika.[1] Sa sining ng salamangka, may angking kapangyarihan ang isang natatanging tao upang makagawa ng mga matatawag na pambihira at kagila-gilalas na mga bagay o himala. Kabilang sa mga kilalang salamangkero o madyikero si Merlin, ang manggagaway o hukluban sa panahon ng kuwento tungkol sa alamat ni Haring Arturo at ang Bilog na Mesa. Karaniwang bumibigkas ng salita o dasal, o kaya mga kilos ng kamay, ang mga salamangkero para makahikayat at makalikha ng salamangka. Tinatawag ding madyikero, madyisyan, at magician ang mga salamangkero.[1]