Ang salamangka[1] o hokuspokus[2] (Ingles: sleight of hand) ay isang uri ng talentong ginagamitan ng bilis ng kamay. Bagaman kadalasan at tuwirang tumutukoy ito sa isang gawain na pagbibigay ng kasiyahan sa mga manonood habang nagtatanghal ng pagsasalamangka katulad ng pagsasagawa ng mga ilusyon ng mga naglalahong baraha o salapi, maaari rin itong tumukoy sa mapanlinlang, mapanloko, at mapandayang gawain. Halimbawa ng huli ang pagtatakip ng isang kahero ng mga kwenta para maitago ang ginawa niyang pagnanakaw mula sa kaha ng pera. Tinatawag na mga salamangkero, madyikero, madyisyan, at magician ang mga may kasanayan sa pagsasalamangka.[2]