Isa sa mga malalaking gusaling pangkalakalan sa Lundayang Ortigas sa Kalakhang Maynila ang SM Megamall. Ito ang ikatlong SM Supermall na itinatag at pinalalakad ng SM Prime Holdings, ang pinakamalaking tagapagtaguyod ng mga gusaling pangkalakalan sa Pilipinas. Pag-aari ito ni Henry Sy Sr.[1].
Nakatayo ang dalawang gusali na idinurugtong ng isang tulay sa lupaing may lawak na umaabot ng 18 hektarya. Kung titingnan sa laki ng malalakaran sa buong gusali, aabot ito ng 348,000 metro kuwadrado. Itinataguring ikatlo sa pinakamalaking gusaling pangkalakalan sa Pilipinas ang SM Megamall at ikapito sa buong mundo.[2]
Kasaysayan
Sinimulang itayo ang SM Megamall noong 1989 at nabuksan ito noong ika-28 ng Hunyo, 1991. Ito ang ikatlong gusaling naitayo ni Henry Sy bago pa man pampublikong maitala ang SM Prime Holdings. Naunang naitayo ang SM City Sta. Mesa at SM City North EDSA. Nakatayo ang SM Megamall sa Lunduyang Ortigas sa lungsod ng Mandaluyong kaharap ng EDSA.
Sanggunian
Ang lathalaing ito ay isang usbong. Makatutulong ka sa Wikipedia sa pagpapalawig nito.