Si Santos ay ang kasalukuyang Obispo ng Balanga na nagkamit ng puwesto mula nang siya ay itinalaga ni Papa Benedicto XVI noong Abril 1, 2010 bilang kapalit ni Socrates Villegas na lumipat sa Arkidiyoses ng Lingayen-Dagupan sa Pangasinan noong Nobyembre 4, 2009. Inorden siya bilang obispo noong Hunyo 24, 2010 at na-iupo bilang ika-apat na obispo ng diyosesis noong Hulyo 8, 2010. Bago siya itinalaga bilang obispo, nagsilbi siyang pari sa Arkidiyosesis ng Maynila, Pilipinas. Siya ay inorden bilang pari noong Setyembre 10, 1983 at inilaan bilang obispo noong Hunyo 24, 2010 ni Cardinal Gaudencio Borbon Rosales, ang Arsobispo ng Maynila