Roque Ablan Jr.

Roque Ablan, Jr.
Kasapi ng Kapulungan ng mga Kinatawan mula sa Unang Distrito ng Ilocos Norte
Nasa puwesto
Enero 22, 1968 – Setyembre 23, 1972
Nakaraang sinundanAntonio V. Raquiza
Sinundan niBinuwag
Muling hinawakan ang posisyon[1]
Nasa puwesto
Hunyo 30, 1987 – Hunyo 30, 1998
Nakaraang sinundanIbinalik ang posisyon
Sinundan niRodolfo C. Fariñas
Nasa puwesto
Hunyo 30, 2001 – Hunyo 30, 2010
Nakaraang sinundanRodolfo C. Fariñas
Sinundan niRodolfo C. Fariñas
Personal na detalye
Isinilang
Roquito Ablan, Jr.

22 Abril 1932(1932-04-22)
Laoag, Ilocos Norte, Pilipinas
Yumao26 Marso 2018(2018-03-26) (edad 85)
Taguig, Pilipinas

Si Roquito "Roque" Ablan, Jr. (22 Abril 1932–26 Marso 2018) ay isang politiko sa Pilipinas. Siya ay matalik na kaibigan ni dating Pangulo Ferdinand Marcos.

Personal na buhay

Si Roquito Ablan, Jr. ay isinilang noong Abril 22, 1932 sa Laoag, Ilocos Norte.[2] Siya ay anak ni Roque B. Ablan, Sr., na naging gobernador ng Ilocos Norte mula 1938 hanggang 1941.

Karera sa pulitika

Ang pampulitikang karera ni Ablan ay nagsimula nung siya ay naging bokal ng Ilocos Norte mula 1963 hanggang 1967.[2]

Noong 1968, siya ay nahalal upang kumatawan sa Unang Distrito ng Ilocos Norte sa Kongreso, at muling nanalo noong 1969 para sa kanyang ikalawang termino hanggang 1972.

Isang malapit na kapanig ng dating Pangulong Ferdinand Marcos, si Ablan nagsilbi bilang kanyang espesyal na tagapayo mula 1973 hanggang 1980.

Si Ablan ay bumalik sa Kongreso at muling nagsilbi bilang kinatawan ng Unang Distrito ng Ilocos Norte mula 1987 hanggang 1998. Noong 1998, si Ablan tumakbo para sa pagka-gobernador ng probinsiya ngunit natalo kay Ferdinand "Bongbong" Marcos Jr.

Noong 2001, siya ay inihalal sa Kongreso hanggang 2010.

Kamatayan

Si Ablan ay namatay noong Marso 26, 2018 sa St. Luke's Medical Center sa Taguig.

Mga sanggunian

  1. Binuwag ang Kongreso nang ideklara ni Pangulong Ferdinand Marcos ang Batas Militar noong 1972.
  2. 2.0 2.1 "Former Ilocos Norte representative Roque Ablan Jr dies". Rappler. 2018-03-27. Nakuha noong 2018-05-21.