Ang Roderick (mula sa Proto-Hermanikong *Hrōþirīk(i)az, literal na "[ang lalaking] mayaman sa kaluwalhatian"), na maaaring ring Roderik o Roderic, ay isang pangalang Hermaniko, na mayroong iba't ibang kaanyuan ng paghango at lumilitaw bilang pangalan ng ilang mga tauhang maalamat at pangkasaysayan.
Ang pangalan ay lumilitaw sa Matandang Aleman bilang Hrodric, sa Matandang wikang Ingles bilang Hrēðrīc at Hroðricus, sa Matandang Nordiko ng Silangan bilang Rørik at Matandang Nordiko ng Kanluran bilang Hrœrekr. Sa Pangunahing kronikulo, lumilitaw ito bilang Ruso: Рюрик na nangangahulugang Rurik. Sa Kastila at Portuges, isinusulat ito bilang Rodrigo, o sa may maiksing anyo nitong Ruy/Rui, at sa Galisyano, ang pangalang katumbas nito ay ang Roi. Sa Arabe, lumilitaw ito bilang Ludhriq (لذريق), na ginagamit bilang pantukoy sa huling hari ng mga Visigoth.
Ang Roderick ay isa ring Anglisisasyon ng ilang mga pangalang hindi magkakaugnay sa isa't isa. Bilang isang apelyido at isang ibinigay na pangalan, ito ang Anglisadong anyo ng Welsh na Rhydderch. Ang ibinigay na pangalang Roderick ay ang Anglisado ring anyo ng personal na pangalang Gaelico na Ruaidhrí/Ruairí/Ruairi/Ruairidh/Ruaraidh.
Tingnan din
Ang lathalaing ito ay isang usbong. Makatutulong ka sa Wikipedia sa pagpapalawig nito.