Ang Rodano (Pranses: Rhône, Aleman: Rhone, Italyano: Rodano) ay isa sa mga pangunahing ilog ng Europa, na nagmumula sa Swisa at dumadaloy mula roon hanggang sa timog-silangang Pransiya. Sa Arles, malapit sa bibig nito sa Dagat Mediteraneo, naghahati ang ilog sa dalawang sangay, na kilala bilang ang Malaking Rodano (Pranses: Grand Rhône) at ang Maliit na Rodano (Petit Rhône). Ang kinahihinatnang tatsulok niyon ay siyang bumubuo ng rehiyon ng Camarga.
Ang Rodano ay kinikilala bilang isang Class V na daantubig[1] mula sa bibig ng ilog Saona patungong dagat.