Mukhang kailangan pong ayusin ang artikulo na ito upang umayon ito sa pamantayan ng kalidad ng Wikipedia. (Disyembre 2024)
Makakatulong po kayo sa pagpapaunlad sa nilalaman po nito.Binigay na dahilan:Kailangan ayusin ang pagkakasulat at balarila. Kailangan din isalin ang mga banyagang salita tulad ng father bukod sa iba pa.
Si Roberto Verzola (Nobyembre 1952 — Mayo 6, 2020) ay isang manunulat, inhinyero at aktibista, na binansagang Father of Philippine email, sa kadahilanang siya ay ang nagtaguyod at nagpasimuno ng mga sinaunang koneksyon para sa Pilipinas ng internet at email mula noong 1992.[1]
Noong panahon ng Batas Militar sa Pilipinas, si Verzola ay sumali sa kilusang lihim (underground movement) at sumulat siya para sa Taliba ng Bayan, isang publikasyon ng National Democratic Front. Pagkatapos ng Rebolusyong EDSA ng 1986, itinatag ni Verzola ang Andromeda Bulletin Board System (BBS) na nagpapahintulot sa mga user na magpadala at tumanggap ng mga mensahe mula sa isa't isa sa isang online na bulletin board sa pamamagitan ng mga workstation na nakahimpil sa mga gusali ng Senado at Mababang Kapulungan ng Kongreso, gayun din ang mga tahanan ng mga mahilig sa teknolohiya.[4] Kabilang sa kanyang mga inisyatiba ay ang karapatang pantao, reporma sa elektoral, mga karapatan sa intelektwal na ari-arian (Intellectual Property Rights), agrikultura, genetic engineering, at renewable energy.
Mula 1992 hanggang 2000, pinatakbo niya ang EMail Center, isang paglilingkod para sa mga non-government organization sa Pilipinas, kung saan ay nagsilbi siya ng minsan bilang Pangulo nito.[5]
Noong 2008, siya ay naging sa mga unang civil society practitioner mula sa Global South na naging isang Akademikong Panauhin (Academic Visitor) sa Oxford Internet Institute.[6][7]
Manunulat
Siya ay nagsulat o sumanib sa pagsusulat ng mga sumusunod na aklat:
"Towards a Political Economy of Information: Studies on the Information Economy" (2004)[8]
"Not On Our Watch: Martial Law Really Happened. We Were There." (2013)[9]
"Crossing Over: The Energy Transition to Renewable City" (2015).[10]
Noong 2001, siya ay naging secretary-general ng Philippine Greens na nakatuon sa genetic engineering, agrikultura, at mga isyu tungkol sa kapaligiran. Ginawa rin niya ang Green Net, isang non-profit na ISP (internet service provider) na magagamit sa mga lokal na NGO (non-government organization).[11]
Isang tagapagtaguyod laban sa komersyalisasyon ng mga pananim, nagsagawa siya ng isang buwang hunger strike sa harap ng mga pintuan ng Department of Agriculture upang tutulan ang pamamahagi ng BT corn, isang genetically-modified na mais. Nagpatakbo siya hanggang 2019 ng isang blog na pinamagatang "Ecology, technology and social change" — na hindi lamang tungkol sa agrikultura, ekonomiya, at teknolohiya, kundi din mga salin sa wikang Inggles ng mga sikat na awiting Pilipino.[12]
Ang aktibista, manunulat at mathematician na si Roberto Verzola, na kilala bilang "Ama ng email sa Pilipinas" ay namatay noong ika-6 ng Mayo 2020 sa kanyang tahanan sa Quezon City habang nagpapagaling mula sa sepsis at pneumonia. Siya ay 67 na taong gulang nang pumanaw.[13]