Ritwal

Ritwal na pagtanggap bilang kasapi ng mga batang lalaki sa Malawi

Ang ritwal ay ang sunod-sunod na gawaing mayroong mga kilos, salita at mga bagay na idinaraos sa isang malayo o liblib na lugar. Ito ay ginagawa batay sa pagkakasunod-sunod ng mga gawain sa ritwal. Ang mga ritwal ay maaaring iminungkahi ng mga tradisyon ng isang komunidad, kabilang na dito ang isang pangrelihiyong komunidad. Ang mga ritwal ay makikila ngunit hindi nagbibigay kahulugan ng pormalismo, tradisyonalismo, hindi pagbabago, pagsunod sa mga patakaran ng mga namamahala, mga sagradong simbolismo at pagganap.

Ang mga ritwal ay isang katangian ng lipunan. Hindi lamang nito isinasama ang mga seremonyang pangsamba at ang mga sakramento ng isang organisadong relihiyon o kulto ngunit pati na rin ang mga rito ng pagdaan, pagbabayad-puri at mga seremonyang pagpapadalisay, banal na panata ng katapatan, mga seremonyang pangdedikasyon, koronasyon at mga inagurasyon ng mga pangulo, kasal at libing, mga tradisyon sa paaralan at ang pagtatapos sa paaralan, mga pagpupulong ng mga grupo, mga kaganapang pampalakasan, piging para sa Gabi ng Pangangaluluwa, parada para sa mga beterano, pamimili tuwing Pasko at marami pang iba. Marami ring mga gawain ang idinaraos para sa mga konkretong layunin tulad ng pagharap sa husgado, pagpapataw ng parusa sa mga kriminal at ang mga siyentipikong panayam na punong-puno ng mga simbolikong aksyon na iminungkahi ng mga tuntunin o tradisyon na maaari na ring ituring na ritwal. Kahit ang mga pangkaraniwang aksyon tulad ng pakikipagkamay at ang pagsabi ng hello o kumusta ay maaari ring tawaging mga ritwal.

Ang larangan ng pag-aaral sa mga ritwal ay nakakita ng madaming salungat na kahulugan para sa salitang ritwal. Isa na rito ay ang kahulugan na ibinigay ni Kyriakidis: ang ritwal ay isang kategorya ng isang tagalabas o etic para sa isang pangkat ng aktibidad o kilos na para sa kanya ay hindi makatwiran o pabago-bago. Ang terminong ito ay maaari ring gamitin ng isang tagaloob o emic bilang isang pagkilala na ang aktibidad na ito ay maaari ring makita ng tulad ng pagtingin ng isang hindi sinasadyang manonood.

Sa sikolohiya, kadalasang ginagamit ang katawagang ritwal isang teknikal na salita para sa isang paulit-ulit na ugali na sistematikong ginagamit ng isang tao para hadlangan ang pag-aalaala; sintomas ito ng obsessive–compulsive disorder o diperensya sa labis na pagkahumaling/pamimilit.