Si Rhea Santos-de Guzman (ipinanganak 1 Hunyo 1979) ay dating mamamahayag, host at tagapagbaalita sa telebisyon mula sa Pilipinas. Kilala siya sa pagbabalita at pagiging host ng palabas sa umaga ng GMA Network na Unang Hirit at pag-host sa ilang mga programang ugnayang publiko tulad ng Reporter's Notebook at Tunay na Buhay. Pagkatapos ng 19 na taon, umalis siya sa Pilipinas upang mag-aral sa Canada.
Maliban sa pagiging personalidad sa midya, nagkaroon siya ng negosyo sa paghurno sa pamamagitan ng Curious Chef Philippines.[4]
Mga sanggunian