Ang Republikang Bayan ng Hungriya ay estadong sosyalista na umiral sa Gitnang Europa mula 1949 hanggang 1989. Hinangganan nito ang Tsekoslobakya sa hilaga, Rumanya at Unyong Sobyetiko sa silangan, Austria sa kanluran, at Yugoslabya sa timog-kanluran. Sumaklaw ito ng lawak na 93,011 km2 at tinahanan ng mahigit 10.3 milyong mamamayan. Naging estadong satelite ito ng USSR bilang kasapi ng mas malaking Silangang Bloke. Ang kabisera at pinakamalaking lungsod nito ay Budapest.
Sanggunian
- ↑ 1.0 1.1 Maling banggit (Hindi tamang
<ref>
tag;
walang binigay na teksto para sa refs na may pangalang statsz
); $2