Ang red-tagging sa Pilipinas, o pagtutukoy bilang pula (pula, nangangahulugang "Komunista" o/at "terorista") ay tumutukoy sa malisyosongpagba-blacklist ng mga indibidwal o organisasyong kritikal o hindi ganap na sumusuporta sa mga aksiyon ng nakaupong administrasyon ng gobyerno sa bansa. Ang mga indibidwal at organisasyong ito ay "itinalaga" bilang komunista o terorista o pareho, anuman ang kanilang aktwal na paniniwala o kinabibilangan sa politika.[1] Ito ay isang uri ng pag-uudyok at may masamang epekto sa mga target nito.[2] Ang red-tagging ay maaaring isagawa ng alinman sa mga pampublikong tagapaglingkod o utusan.
Karaniwang binibigyang-kahulugan bilang panliligalig o pag-uusig sa isang tao dahil sa "kilala o pinaghihinalaang mga simpatiyang komunismo,"[8] ang malawak na kasaysayan ng red-tagging sa Pilipinas ay humantong sa pagkilala sa ilang pormal na kahulugan mula sa gobyerno ng Pilipinas.
Isang gawain ng mga aktor ng Estado, partikular na ang mga ahensiyang nagpapatupad ng batas, upang i-brand sa publiko ang mga indibidwal, grupo, o institusyon bilang… kaakibat ng mga komunista o makakaliwang terorista.
Mga apektadong grupo
Kasama sa mga organisasyong madalas na napapailalim sa red-tagging sa Pilipinas ang mga grupo ng karapatang sibil,[10] institusyong panrelihiyon,[11][12] unyon ng manggagawang pangkalusugan,[13] akademya,[14][15] at ang mainstream at alternatibong media.[16] Ang mga grupo ng mga manggagawa at magsasaka[17][18] at mga tagapagtanggol ng lupa at kapaligiran[19] ay madalas ding nire-red-tag. Ang ilan sa mga organisasyon at institusyong ito ay binansagan bilang mga prente, tagasuporta o mga simpatisador lamang ng Bagong Hukbong Bayan.